Bahagyang umawang ang labi ko. "Hindi ako aalis kung ayaw mo." Mabilis akong umiling. "Kung si Marjorie ang kasama mo ay mas magtitiwala ako. May kaibigan tayong mag-aalaga at titingin sa'yo habang wala ako sa tabi mo." Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Masuyo siyang humaplos roon bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Para itong may kung anong mabigat na nagpapahirap sa paghinga nito. "I will miss you, love..." Nakagat ko ang labi ko. Tiningala ko siya. Nababasa ko ng husto ang lungkot na nasa mga mata niya. Tumatagos. Tumatawid patungo sa akin. Gumagapang patungo sa dibdib. Nanunuot sa kaibuturan ko. Napasinghap ako ng makaramdam ng tila pagsakal sa puso ko. "Mamimiss din kita..." puno ng lungkot na bigkas ko. Kinabig ako ni Nathan palapit sa kanya upang ya

