"Estupida! Boba! Tanga-tanga!" halos magpanting ang tenga ko sa pasigaw at sunod-sunod na masasakit na salitang binibitawan ni mama. Simula kaninang pag-alis nila Nathan ay napakasungit na nito. Natatarantang sumandok ako ng tubig sa balde gamit ang plastic na tabo. Ibinuhos ko ito sa ulo ni mama. Nahulas ang bula ng shampoo sa buhok nito pero napunta naman ang iba sa mukha nito. "Aray! Ang mata ko!" malakas na daing nito ng mapasukan ang mata ng bula. Tumabo ako ulit ng tubig at sa mukha nito ibinuhos. Nabigla ito sa ginawa ko. Napasinghap ng malakas si mama na akala mo nalulunod. Malalim itong napahigop ng hangin sa dibdib. "Ano ba?!" Padarag na inagaw nito ang tabo mula sa kamay ko. Tumabo ito ng tumabo ng tubig mula sa balde at ibinuhos ng ibinuhos sa akin. Di pa nakuntento ay b

