bc

Mine Again

book_age18+
6.7K
FOLLOW
24.5K
READ
murder
contract marriage
kidnap
CEO
drama
tragedy
comedy
humorous
heavy
mystery
like
intro-logo
Blurb

Kathryn Delos Santos has amnesia. She forgot all the important things that she got even his fiance that she used to love. Because of an accident, everyone thought that she was already dead. Tila bula ring naglaho siya sa alaala ng lahat. Tumira siya sa isang lugar kung saan walang bahid ng kasinungalingan, kataksilan at kababuyan. Mahirap lamang ang kumupkop sa kaniya pero panatag ang kaniyang loob sa mga ito. Dahil sa kakulangan sa pera ay naisipan niyang magtrabaho sa isang kompanya at doon ay makikilala niya ang isang lalaking pilit magbabalik ng kaniyang nakaraan.

The CEO, Bachelor, Good-Looking, Womanizer, and Devirginizer. Almost a perfect guy na si Brian Montemayor. Ang kaibigan ng kaniyang fiance.

Matahimik kaya ang kaniyang mundo? O mas lalo lamang ito magulo dahil sa pagsingit ng Womanizer at Devirginizer na si Brian Montemayor?

chap-preview
Free preview
1
Sinusulat ko sa sticky notes 'yung mga gagawin ko ngayong araw. Baka kasi makalimutan ko na naman at hindi ko magawa. Sakit ko na 'yata ang bilis makalimot. Bakit kasi sa dinami-rami ng puwede kong makasanayan ay 'yung lumimot pa ng mabilis? Hindi ko nga alam kung advantage ba 'yon sa akin o sadyang malas lang talaga ako. Kumalampag ng ilang beses ang pinto kaya doon nabaling ang atensyon ko. "Jasmine. Labas na. Nakahanda na ang almusal." boses pa lang kilala ko na kung sino 'yun. Walang iba kun'di si Kuya Darwin. "Hindi ka hihintayin ng pagkain kaya sumunod ka na lang, bilisan mo kumilos, kumpleto na kami sa kusina ikaw na lang ang kulang." dagdag pang wika ni Kuya. "Gising na ako Kuya!" balik kong sigaw. "May inaayos lang. Pupunta agad ako sa kusina after ko dito!" "Aba. Himala atang maaga kang gumising ngayon." labis ang pagtataka ang nahimigan ko sa boses ni Kuya. Sa totoo lang ay palagi akong tanghali pero sa ngayon ay maaga akong gumising, dahil mag-a-apply ako. Maraming beses ko na itong pinag-isipan at ngayo'y desidido na ako. Hindi na muna ako magkokolehiyo dahil wala pa kaming sapat na pera upang pambayad sa aking pag-aaral. Nag-aaral din kasi si Ate Dawn sa college. Mahihirapan lamang kung sasabay pa ako sa kaniya sa pag-aaral. Dodoble ang babayarang tuition ni Kuya Darwin. Wala kasing libreng paaralan dito sa lugar namin pag college. Kaya naman naisipan kong maghanap na muna ng trabaho. High school graduate ako kaya siguro naman ay may tatanggap sa akin sa pag-a-applyan ko. Hindi kasi pupwede 'yung palagi na lang ako nandito sa bahay. Nakakahiya na rin kanila Tatay at Kuya. Pansin ko rin ang pagtataray sa akin ni Ate Dawn dahil pabigat lang ako dito. At isa pa, gusto kong matulungang maipagamot si Nanay na nakaconfine sa hospital. Mabilis kong itinago ang sticky notes sa maliit kong bag. Ito ang gagamitin ko mamaya sa pag-apply. Lucky charm ko ang bag na ito, sa tuwing dala ko ito palagi akong sinuswerte kaya naman hindi ko dapat iwan ito sa oras nang paghahanap ko ng trabaho. Regalo ito sa akin ni Kuya Darwin kaya naman iniingatan ko ito ng mabuti, bukod pa doon ay maganda talaga ang bag. Ang design kasi nito ay pulang rosas, ang paborito kong bulaklak. "Akala ko ba lalabas ka na? Ang tagal mo naman mag-ayos." Reklamo ni Kuya. Hindi ko naman inaasahang maghihintay pala siya sa akin sa may labas. "Palabas na kuya!" "Kanina ka pa palabas diyan. Baka naman nakahiga ka pa. Kapag hindi ka pa lumabas papasok na ako. Ako mismo ang bubuhat sa iyo palabas." Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin si Kuya Darwin. Nakasimangot ito dahil sa yamot. Sa tagal ba naman niyang naghihintay. "Kuya naman e, hindi na ako bata para buhatin pa. Saka sinabi ko sa 'yo nakahanda na ako. Inayos ko lang itong bag." pinakita ko sa kaniya ang regalo niya sa akin. Malaki ang ngiting binibigay ko sa kaniya. "Tara? Kanina pa ba si Tatay at Ate Dawn sa kusina? Nako. Lagot na naman ako nito kay Ate," napakamot pa ako sa ulo ko. Palagi kasi akong pinagagalitan ni Ate Dawn tuwing umaga dahil late ako sa pagpunta sa kusina kapag umagahan. "Kuya!” winagayway ko sa harap niya ang isa kong kamay. Nakatulala kasi si Kuya. Ilang beses siyang napakurap bago bumalik sa kaniyang huwisyo. "Bakit ganyan ang suot mo? May lakad ka ba? Inaya ka na naman ba ni Reina?" Iniwas ni Kuya ang kaniyang tingin sa akin pero halata pa rin ang pagkailang. Nagtaka ako. Hindi niya ba nagustuhan ang suot ko? Gandang-ganda pa naman ako rito. Baka naman may mali kaya mukhang ayaw niya. "Pangit ba?" tanong ko kay Kuya. "Ito na ang pinakamaganda kong damit. Bigay pa ito sa akin ni Nanay." "Saan ka ba pupunta? Nag-dress ka pa talaga." "Kuya, balak kong maghanap ng trabaho today. Isasama ako ni Reina. Tutal parehas kaming hindi makakapag-aral sa college. Kaya naman naisipan naming dalawa na magtrabaho na lang muna sa ngayon. Ayos 'di ba?" Nag-thumbs up pa ako sa kaniya pero binaba niya 'yung kamay ko at pinitik sa noo. Aw. "Trabaho? Ikaw? Hindi ka puwedeng magtrabaho. Alam mo namang mabilis ka makalimot 'di ba?" "Hindi naman ako mahihirapan sa work kuya. Promise. Saka meron naman akong sticky notes para matandaan lahat ng mga gagawin ko." nilabas ko uli yung sticky notes sa bag para ipakita sa kay Kuya. Labis-labis ang ngiti ko ngunit taliwas sa ekspresyon niya. Ayaw niya ba? Ilang gabi kong pinag-isipan ito. Napuyat pa ako dahil sa kaiisip tapos hindi rin pala siya papayag. Hindi ko naman puwedeng sisihin sa puyat ko si kuya dahil ako naman ang may gusto non pero kahit na. Sana payagan niya pa rin ako kasi gusto ko talagang makatulong. "Hindi.ka.magtatrabaho. Halika na, kanina pa sila Tatay sa kusina." tumalikod na si Kuya at saka naglakad papunta kina Tatay at Ate Dawn. Napanguso ako dahil sa sinabi ni Kuya. Hindi raw ako magtatrabaho. At bakit hindi? Gusto ko na ngang magtrabaho! Kaya naman mabilis ko siyang sinundan, kailangan kong mapilit si Kuya at mapabago ang kaniyang pasya para makasama ako kay Rina ngayon sa pag-a-apply. Hinawakan ko si kuya sa braso at pinilit para pumayag na. "Kuya naman, please, pumayag ka na!” "Hindi." "Pretty please?" "Hindi nga. Kulit!” "Pretty pretty please?" ginamit ko na ang charm ko. Papikit-pikit na ang mga mata ko sa kaniyang harapan pero mukhang walang epekto. Akma pa nitong pipitikin ang magaganda kong mata kaya naman nabitawan ko siya at lumayo sa kaniya. "Pipitikin ko 'yang mata mo 'pag hindi ka pa tumigil. Kala mo cute ka?" "Oo. Ikaw ang nagsabi." "Gutom ako noon kaya ko nasabi sa ‘yong cute ka. Kaya mag-almusal na tayo. Please lang huwag mo na gustuhing magtrabaho. Sarili mo lang ang pahihirapan mo." "Kuya naman e," napapadyak na ako dahil sa kabiguan. Mukhang desidido na talaga si kuyang hindi ako magtrabaho. Hindi ko namalayang nandito na kami sa kusina. Nakaupo na si Tatay at Ate Dawn sa table. Nahagip ng mata ko ang pag-irap sa akin ni Ate Dawn. Ang laki talaga ng problema sa akin ng ate ko. Sabi nga ni kuya huwag ko na lang pagpapansinin ang kamalditahan ni ate sa akin dahil ganoon na daw talaga si ate noon pa man. "Tatay, ayaw ako payagan ni kuya mag-trabaho. Aalis nga kami ni Reina ngayon para maghanap pero hindi niya ako pinapayagan." sumbong ko kay Tatay. dinilaan ko pa si kuya ng mabilis para asarin siya. Akala niya ha. Lagot siya ngayon kay Tatay. "Isip bata talaga." sabi pa ni kuya bago kumuha ng tinapay sa mesa. Humigop pa ito sa kape niya bago kumagat sa tinapay. "Tatay oh!" Tumawa na lang si Tatay sa amin. "Hindi ka kasi puwedeng magtrabaho anak." "Bakit po hindi? High school graduate naman po ako 'di ba? Sabi ni Reina may mga small company na tumatanggap ng high school graduate. Puwede din kami sa fastfood, sa katunayan gustong gusto ko talagang magtrabaho doon para bumilis na ako gumalaw. O 'di ba? Kayang-kaya ko 'yon!" "As if namang bibilis kang gumalaw, baka kamo mas lalo ka lang bumilis lumimot," pasimpleng kamalditahan ni Ate Dawn sa akin bago sumimsim ng kaniyang kape. Tinaasan lang ni Ate ng kilay si Kuya at Tatay na nakatingin sa kaniya ngayon. "May mali ba sa sinabi ko?" tanong ni Ate Dawn sa kanila. Napabuntunghininga na lang sina Kuya at Tatay. "Basta hindi ka puwedeng magtrabaho." huling sabi ni Kuya. "Sumunod ka na lang sa Kuya mo anak. Tama naman siya. Kahit ako ay ayaw kitang pagtrabahuhin dahil sa kalagayan mo." gatong naman ni Tatay. "Pero gusto ko po talagang magtrabaho." Napayuko na lang ako dahil nakita kong sumama na ang tingin ni kuya sa akin. Sabi ko nga, tatahimik na ako. Napasubo na lang ako ng isang buong tinapay at nagpaawa epek muli sa kanila pero wala pa ring magandang kinahinatnan. Ano pa ba ang dapat kong gawin para mapapayag nila ako? Muntikan na akong mapaiyak dahil sa kabiguan. Dinaan ko na lang ang lahat sa pagkain.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sexiest Man Alive (Completed)

read
63.1K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

My Secret Marriage

read
129.1K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

Loving The Heartbroken Man (Juan Miguel)

read
136.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook