"Who is she, Roi?" Yong kulay asul na buhok ang nagtanong sa kaniya kung sino ako. Nandito kami sa isang lugar na hindi ko alam. Pati mga taong kasama namin ngayon hindi ko kilala. "Yan? Babae ni Boss Brian." Hindi ko narinig ang sinabi niya rito pero sigurado akong tungkol sa akin ang usapan nilang dalawa. "Siya ba 'yong dati? Ilang taon na ang nakalipas. Bakit kasama mo? Akala ko tuloy new girlfriend mo Roi," "Walang maalala. Birthday ni Madam Berlie, hindi siya pwedeng makita ng kahit sino doon. Siguradong imbitado ang pamilya niya. Delicate 'yon." "How?" Nangunot ang noo ng lalaki. "She's dead." "Teka hindi kita maintindihan? Patay na siya? Bakit kasama mo? Multo lang ba niya 'yan?" May lumapit doon sa lalaki na babae at pineltukan siya. "Obob mo asul malamang 'di niya 'yan mu

