Nagtutubig ang buong katawan naming dalawa ni Kuya noong makarating sa bahay. Parehas basa ang damit namin at talagang nanginginig ako sa lamig. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa tumitila ang ulan bagkus ay lalo itong lumalakas. Si Tatay ang sumalubong sa amin, alalang-alala siya sa aming dalawa ni Kuya Darwin pero parehas kaming wala sa mood, hindi na namin nakausap ng maayos si Tatay dahil parehas kaming sa sarili naming kwarto dumiretso, hindi ko pala sarili ang kwarto dahil kasama ko doon si Ate Dawn. Mabuti ngang hindi na nagtanong pa si Tatay kung anong nangyari sa aming dalawa ni Kuya Darwin, nakonsensya naman ako dahil inabot na si Tatay ng alas tres ng madaling araw sa paghintay sa amin ni Kuya Darwin, e, may trabaho pa siya ngayong umaga. Paggising namin ni Kuya parehas kaming

