Nahulog ‘yong bluetooth earphone sa tenga ko dahil sa pagiging agresibo ni Oliver sa akin. Pilit kong nilalabanan ang kamay niya. Sobrang sakit na talaga ng pagkakasabunot niya sa buhok ko. Lalo pa’t mabigat ang kamay niya kaya parang pinaghihiwalay talaga ang buhok ko sa aking ulo. “Help! Tulungan niyo ako! Oliver, please stop!” “Shut up!” “Help!” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang dumapo sa bibig ko ang kamao niya. He punched me to shut me up. I saw blood. Natahimik ako dahil sa sakit na dinulot ng pagsuntok niya sa bibig ko. Pumutok ang labi ko at parang namanhid ang bibig ko sa lakas ng suntok niya. Hindi ko maibuka ang bibig ko para makapagsalita. Parang umikot din ang paningin ko. “Now tell me, the f*****g, who you are!” Mas dumiin ang hawak niya sa buhok ko. Napai

