"Siguro kailangan na natin itong araw-arawin,dahil parang hindi ka naman nasasanay at parang palagi ka na lamang na virgin." Sabi ni Dakz sa akin pagkatapos ako nitong bihisan. Naka-ilang rounds pa kami nito bago pa n'ya ako binihisan. Nagbihis na din ito at bumalik sa kami sa duyan na maswerte naman at matibay. Dahil hindi man lang ito nasira sa ilang beses na ginawa namin itong kama. "Dakz, si Ava ba kinausap mo na?" Tanong ko sa kan'ya. "Oo, kinausap ko na s'ya at syemp're hindi n'ya matanggap. Kaya nga lasing akong umuwi sa'yo noong nakaraan ay dahil hindi ko na alam ang aking gagawin. Hindi ko alam kung paano ba matatanggap itong lahat ni Ava." Sagot n'ya sa akin. "Mahigit isang linggo naman na ako sa condo mo at wala naman Ava na sumusulpot doon. Baka naman natanggap n'ya din aga

