AVA'S POV: "Miss Ava, ikaw na po ang kasunod!" Sabi ng aking P.A. "Sige," tipid na sagot ko dito. Sa totoo lang ay wala akong kagana-ganang magtrabaho ngayon,dahil sa mga nangyari lately. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na Ang boyfriend ko sa loob ng mahigit isang taon ay naagaw lamang ng isang gabi sa akin. Naalala ko pa ang araw na iyon na sinundo ako ni Dakzein sa trabaho ko. Ang aking akala ay na-miss lamang ako nito kaya n'ya ako sinundo. Iyon pala ay dahil may sasabihin itong gigimbal sa akin. Gusto kong sugurin ang hayop na babaeng iyon na umagaw sa akin sa boyfriend ko. Kung hindi lamang sunod-sunod din ang pictorial ko para sa isang women's magazine na hindi ko alam na tinanggap pala ng manager ko na galit na galit sa akin. Dahil muntik ko ng kitilin ang buhay ko..

