Masakit ang naging sagot n'ya sa akin at medyo nag-iba ang timpla ko. Ipinagmamalaki n'ya pa kasing ang babaeng ito daw ay ang kan'yang kasintahan. Mabilis lang naman nawala ang inis ko dahil hindi ko kailangan na maging emotera sa ngayon. Mas gusto ko ay iyong maging asawa ko si DAKZ at gagawin ko ang lahat para lamang mangyari iyon. Nang sabihin nito na iuuwi n'ya na ako ay nalungkot pa ako dahil,ayaw ko pang umuwi. Kaya nga pinilit ko na makapunta dito kahit pa nag-jeep na lamang ako kanina at makipag-away pa na sa huli ay ako ang napasama. Pero okay lang iyon basta ang mahalaga ay makita ko si DAKZ. Bago pa kami makalabas ay kinantyawan pa s'ya ng mga kasamahan n'ya na halata naman na ginagalang nila si DAKZ dito. Nakita ko na hindi kotse ang dala n'ya ngayon. Dati kasi ay gusto

