Naalimpungatan ako dahil sa narinig ko ang katok sa pinto ng aking kwarto. Hindi ko akalain na nakatulog na pala ako kanina pag-uwi ko dito. Tumayo ako at lumapit agad sa pinto. Nabungaran ko si Yaya pagbukas ko ng pinto. "Ya,bakit po?" Tanong ko pa dito,dahil hindi ko alam kung bakit n'ya ako ginising. "Ija, pasens'ya ka sa istorbo sa pagtulog mo, pinapatawag ka kasi ng mga magulang mo sa ibaba." Sagot sa akin ni yaya at parang alam ko na kung bakit. "Susunod na po ako." Magalang na sagot ko kay Yaya. "Bilisan mo at kakain na din kayo." Sabi pa n'ya bago umalis. Naghilamos muna ako bago sumunod. Nang makarating ako sa dining area ay nandoon na silang lahat. Kahit gaano man kabusy ang mga magulang ko ay nagagawa pa din naman ang ganito na nagsalo-salo sa pagkain. Lumapit ako sa

