DAKZEIN RAMIREZ POV
"Sarhento nahuli na namin lahat ng nandito." Sigaw ng isa sa mga kasamahan ko.
"Dalhin lahat ng mga yan sa presinto."
Agad naman na inakay nila sa mobile ang mga nahuli namin.
Nasa isang illegal na sabungan kami ngayon at hinuli ang mga pasaway na mga mampupusta na ito na alam naman nilang bawal ang ganitong gawain ay ginagawa pa din nila.
"Sir,maawa na po kayo kailangan po ako ng pamilya ko. Napadaan lang naman ako dito." Sabi pa ng isa sa mga dinampot namin at sanay na din ako sa mga ganitong palusot nila.
"Mang Karding, hindi na po sa akin bebenta ang mga gan'yan." Saad ko sa kan'ya.
"Sige na dalhin n'yo na sila." Muling utos ko pa at dumiretso na kami sa presinto.
Nang makarating sa presinto. Sa labas pa lamang ay naririnig ko na ang komosyon sa loob.
Pagpasok ko ay agad naman na sumaludo sa akin ang aking mga kasamahan.
Lumapit ako sa mesa kung saan ay tila kinakausap ni PO1 Lumarez ang mga sangkot sa komosyon na ito dito sa presinto.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ko agad at napatingin naman sila sa akin.
"MARA!" Gulat ko pang sabi sa babaeng ang damit ay tila ba kinulang sa tela.
Hindi ko alam kung kailan ba nakabalik ang anak ni Ninong Royce na kinaiinisan ko mula pa noon.
"DAKZ!"
Kita ko ang pagkagulat sa kan'yang mga mata ng tawagin ko s'ya sa,pero saglit lamang iyon. Dahil agad itong lumapit sa akin at yumakap.
"Ano ba! Bumitaw ka!" Utos ko pa sa kan'ya at imbes na bumitaw ay lalo pa itong kumapit sa akin.
Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito. Lagi na lamang noon ay sakit ko s'ya ng ulo. Sinubukan pa nga n'ya na mag-aral din ng criminology para lamang masundan ako. Kaya lang ay dahil hindi n'ya kaya ang kursong iyon ay nagdrop-out din s'ya sa bandang huli.
"Naku naman Sarhento,isa pala sa s'ya sa mga chickabsbes mo." Tukso pa sa akin ng mga kasamahan ko.
Oo mahilig ako sa babae,pero sinisigurado ko na malinis at isa pa ay hindi ko kayang kataluhin si Ninong na ama ng babaeng ito na kung makakapit sa akin ay akala mo tuko.
"Ano ba kasing nangyari?" Mahinahon ko ng tanong at hinayaan na lamang s'ya sa tabi ko.
Bumitaw naman ang isang kamay n'ya,pero ng isang kamay ay nasa leeg ko pa din.
"Ang lalaking yan,bastos!" Sigaw pa n'ya sabay turo sa lalaking nakayuko lamang at hindi tumitingin sa amin.
"Hinipuan n'ya ako DAKZ!" Tila naiiyak na sumbong pa n'ya sa akin.
"Paanong hindi ka mahihipuan n'yan,ang suot mo ay para kang nag-aalok ng aliw sa club." Bulong ko pa sa aking isipan,dahil ayaw ko naman na ipahiya ito
"Sir, p'wede ba na humarap ka sa amin para naman maipagtanggol mo din ang sarili mo." Pakiusap ko sa lalaking ito na sinasabi ni Mara na hinipuan daw s'ya.
"Kanina pa nga namin s'ya kinakausap Sir,pero parang ayaw n'ya na ipakita ang kan'yang mukha sa amin."
Isa sa mga kasamahan ko ang sumagot na ipinagtataka ko.
"Sir, please kausapin mo kami,para hindi lamang isang panig ang naririnig." Muling pakiusap ko pa dito.
"Bakit hindi pa ba sapat ang mga sinasabi ko?"
"Manahimik ka muna Mara,kung ayaw mong ipasok kita d'yan." Pananakot ko sa kan'ya at timuro ang selda na may iilang nakakulong pa.
Tila natakot naman ito at nanahimik,pero still nakakapit pa din sa akin.
"Sir_'"
"Paano akong haharap sa inyo at makikipag-usap kung ganito ang mukha ko." Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ulit ng magsalita ito at tinanggal ang takip sa kan'yang mukha.
Nagtawanan ang mga kasamahan ko nang alisin n'ya ang takip sa kan'yang mukha.
Gusto ko din matawa pero pinipigilan ko na lamang. Tumingin ako sa aking mga kasamahan at naintindihan naman nila ako. Kaya tumigil sila agad sa kakatawa.
"Anong nangyari sa mukha mo Sir?" Tanong ko,dahil may black eye ito sa kan'yang dalawang mata at ang kan'yang mukha ay bugbog sarado talaga.
"Ang babaeng yan ang gumawa nito sa akin at s'ya pa talaga ang may ganang kasuhan ako." Galit na sabi nito na masama naman ang tingin kay Mara.
"Hinipuan mo ako at self defense lang naman ang ginawa ko,paano kung mas malala pa sa hipo ang ginawa mo!" Mangiyak-ngiyak na sabi pa ni Mara.
"Hindi nga kasi kita hinipuan, sad'yang malakas ang pagpreno ng jeep at napahawak ako sa hita mo. Pero hindi ko sinasadya iyon,kaya nga humingi agad ako ng sorry sa'yo di ba!"
"Nahawakan mo pa din ako! Ikulong n'yo na s'ya DAKZ."
"Hindi namin s'ya p'wedeng ikulong ng walang sapat na dahilan Mara, at isa pa ay kung titingnan mo ang hitsura n'ya ay parang s'ya pa ata ang agrabyado sa inyong dalawa."
Saad ko kay Mara na parang gusto ko na lamang itong pauwiin ngayon at nakaka-abala lamang s'ya sa trabaho ko.
"Sir,ako na po ang humihingi ng pasens'ya sa ginawa n'ya at sana ay matapos na ito dito."
Paghingi ko ng dispensa,dahil sa totoo lang ay kawawa talaga ang lalaking ito na hindi na makilala ang mukha dahil sa pagkakabugbog.
"Hindi naman sana kami hahantong dito sa presinto Boss,kung hindi dahil d'yan sa babaeng yan na kung maka-react ay akala mo naman ni-rape ko na s'ya. Malay ko bang biglang pe-preno ang jeep na lulan kami."
"Sorry na lang ang hinihingi ko mula sa kan'ya Boss,pambawi man lang sa kahihiyan ko na inabot kanina."
Turan pa ng lalaki at napatingin naman ako dito sa babaeng sinisinghot na ako ngayon.
"Mara itigil mo yan!" Saway ko sa kan'ya,dahil kahit pa ayaw ko sa kan'ya ay lalaki pa din ako.
Nag-iiba ang pakiramdam ko dahil sa kan'yang ginagawa.
"Bakit ba,wala naman masama sa ginagawa ko." Nakasimagot na sabi pa nito sa akin.
"Humingi ka daw ng sorry dito sa taong ginawa mong punching bag." Utos ko sa kan'ya.
"What?? No way!" Mataray na pagkakasabi pa n'ya.
"Hindi ako magso-sorry sa lalaking yan." Dugtong n'ya pa at ngayon n'ya pa talaga pina-iral ang kan'yang kamalditahan.
"Magso-sorry ka o ikukulong kita? Mamimili ka."
Seryosong sabi ko pa sa kan'ya,pero sa totoo lang nauubusan ako ng pasens'ya sa babaeng ito.
"Seryoso! Ikukulong mo ako?"
"Oo, kaya kung ayaw mong matulog d'yan sa loob ng selda ay humingi ka na ng sorry dito kay sir na masyado munang naabala."
Sagot ko sa kan'ya at tila nag-iisip naman ito ng kan'yang gagawin.
Wala akong pakialam kung anak pa s'ya ni Ninong at matalik na kaibigan ng kapatid ko. Mali s'ya at kung tutuusin ay p'wede s'yang makasuhan,dahil sa ginawa n'ya na wala naman pala talagang masamang ginawa sa kan'ya ang itinuturo n'yang hinipuan daw s'ya.
Hindi ko din alam kung bakit ba nakasakay s'ya sa jeep. Samantalang napakayaman ng pamilya nila.
Mamaya ko na lamang s'ya tatanungin ang importante ngayon ay maayos muna itong gulo na pinasok n'ya.
"Sorry na." Sabi n'ya na tila hindi man lang sincere sa paghingi ng tawad.
"Grabe ka Miss,alam mo kung hindi lang dahil dito kay Sarhento ay baka tinuluyan kitang kasuhan. Ilang araw akong hindi makakapasok sa trabaho,dahil dito sa ginawa mo sa mukha ko. Baka naman gusto mong maging sincere pa sa paghingi ng sorry para kasing labas sa ilong yang sinabi mo."
Mahabang litanya pa ng lalaki at tumingin na naman sa akin si Mara.
"Ayusin mo kasi,para matapos na." Pabulong na sabi ko pa sa kan'ya.
"Sorry na po, akala ko kasi talaga ay sinadya mo ang ginawa mo sa akin kanina."
"Ayan,kaya mo naman pa lang magsalita ng hindi sumisigaw at nagtataray. Sige na okay na. Pero sa susunod naman ay h'wag muna itong gagawin.nakakaawa ang lalapatan n'yang kamao mo."
"Maraming salamat po at h'wag ho kayong mag-alala dahil s'ya na din ang magbabayad ng ilang araw na hindi kayo makakapasok sa trabaho."
"Salamat po Sir,mauuna na ho at nag-iwan na din ng mga information ko para madali n'yo lamang akong makontak."
Paalam n'ya at tumayo na din ito nakipag-kamay pa ako dito bago ito tuluyan na lumabas ng presinto.
"Ikaw naman ay umuwi ka na din at nakaka-abala ka na sa akin."
Sabi ko kay Mara at pinilit ko ng tinanggal ang braso n'ya sa pagkakapulupot sa aking leeg. Kunti na lang ay mahahalikan ko na s'ya,dahil sa sobrang lapit ng mukha n'ya sa akin.
Natanggal ko naman at naglakad na papunta sa opisina.
"Wait lang naman DAKZ,wala ka man lang ba na pa-welcome kiss d'yan sa akin? Kadarating ko lang kahapon at hindi ka man lang nagpunta sa bahay para i-welcome ako."
Sabi n'ya pa at kahit medyo binilisan ko na ang aking lakad ay nakasunod agad ito at kumapit sa braso ko ng mahigpit.
Napansin ko pang habang naglalakad kami at napapatingin talaga sa kan'ya ang mga kasamahan ko.
Napatigil ako sa paglalakad.
"Bakit ka huminto?"
"Bumitaw ka nga muna." Utos ko sa kan'ya at parang bata na nag-pout lamang ito ng kan'yang mga labi na natural na mapupula na talaga kahit wala itong gamit na lipstick.
"Stop acting like a child,Mara. Hindi ka na bata para gumanyan sa harapan ko."
Hinila ko ang aking braso at tinanggal ang aking jacket.
"Next time kung ayaw mong nahihipuan ay h'wag kang magsusuot ng gan'yan na damit." Sabi ko pa sa kan'ya habang isinusuot ko kan'ya ang jacket.
"Kunwari ka pang galit d'yan,pero ang totoo ay concerned ka naman talaga sa akin."
Malambing na sabi n'ya pa at naglakad na ulit ako,dahil alam kung hindi n'ya talaga ako titigilan.
At mamaya ay tatawagan ko ang Kuya Javier n'ya na s'yang bestfriend ko. Kung bakit hindi n'ya man lang sinabi sa akin na bumalik na pala ang nakakabatang kapatid n'ya na wala ng ginawa ku'ndi guluhin ang buhay ko.
Masaya na ang buhay ko sa nakalipas na anim na taon na wala ito sa bansa. Pero ngayon na bumalik na ito ay kailangan ko na naman na mag-ingat sa kan'ya.
Iba ang sapak ng babaeng ito. Kaya naman ngayon pa lamang ay kailangan ko ng maiwasan s'ya.
Kailangan kong iiwas sa kan'ya ang girlfriend kong si Ava na tatlong taon ko ng kasintahan. Hindi n'ya p'wedeng sirain ang magandang relasyon namin na binuo ko sa nakalipas na tatlong taon.
Mabait, maganda at higit sa lahat ay naiintindihan nito ang trabaho ko. At ni minsan ay hindi n'ya pinagselosan ang trabaho ko.
Kahit pa nga alam n'ya isa akong playboy ay tinanggap n'ya pa din ako.
Sa loob ng tatlong taon ay napatunayan kong s'ya na talaga ang babaeng ihaharap ko sa altar at magiging ina ng mga anak namin.
"Paano akong hindi ako magiging ganito sa'yo Mara? Matalik kong kaibigan ang Kuya mo at Ninong ko pa ang Dad mo. At isa pa ay magagalit din sa akin si Myles kapag nalaman n'yang pinabayaan ko ang bestfriend n'ya."
Sabi ko sa kan'ya na binanggit ko pa ang aking nakakabatang kapatid.
Nang makapasok ako sa aking opisina ay agad akong naupo at may ilang mahalagang dukomento akong kinuha na kailangan ni Major Elizalde.
Habang si Mara naman ay nag-iikot-ikot dito sa loob.
"Sino s'ya?" Tanong n'ya pa sa akin.
Tumingin naman ako sa itinuturo n'ya.
"Si Ava, girlfriend ko." Sagot ko sa kan'ya na ikinakunot ng kan'yang noo.
"So totoo pala ang kwento sa akin ni Myles na ipinagpalit mo ako sa babaeng ito." Nakakibit ang kamay na sabi n'ya pa.
"Hindi kita pinalitan,dahil never naman na naging tayo Mara."
Walang gatol na sabi ko pa. Kailangan kong sabihin ito sa kan'ya,dahil baka kung ano na naman ang pumasok sa isip n'ya. Mabuti na din na alam n'ya na ang tungkol kay Ava.
Kita ko ang pag-guhit ng sakit sa kan'yang mga mata dahil sa aking sinabi. Kung kinakailangan na maging ganito ako sa kan'ya ay gagawin ko.
"Ang mabuti pa ay ihahatid na kita at baka kung ano na naman na gulo ang mangyari sa'yo kapag nag-commute ka pa. At bakit ba kasi sumakay ka ng jeep?"
Tanong ko pa sa kan'ya.
"Tumirik kasi ang kotse ko at iniwan ko na lamang."
Sagot n'ya sa akin at napailing na lamang ako.
"Saan ka ba kasi pupunta?"
"Sa'yo."
"Sa akin? Bakit?"
"Gusto kitang surpresahin,"
"At nasurpresa mo naman talaga ako."
Sino ba naman ang hindi masusurpresa na sa pagbabalik nito ay gulo na agad ang hatid sa kan'ya.
"Halika na at ayusin mo ang jacket na yan para matakpan ang katawan mo. Kung bakit naman kasi nagsuot ka ng damit na kinulang sa tela."
"Di ba sabi mo noon sa akin ay para akong Manang manamit,kaya heto at binago ko na ang aking sarili para sa'yo."