CHAPTER:2

2105 Words
Habang papalabas kami ay ganoon pa din ang mga tingin nila kay Mara. Hindi ko naman kasing maitatanggi na maganda talaga ito at sa suot n'ya ngayon ay talaga naman na pagpye-pyestahan s'ya ng mga kasamahan ko dito. "Sarhento,saan muna dadalhin si Miss ganda na mala-amazona?" Tanong ng isa sa mga kasamahan ko. "Iuuwi sa bahay nila." Tipid na sagot n'ya sa mga kasama. "Wow! Babakuran muna agad s'ya." Sabi pa ng isa sabay tawanan naman ang iba. Ewan ko ba kung bakit kaakibat na ng isang pulis ang pagiging babaero. Pero sa totoo lang ay depende naman iyon sa gusto namin. Tulad ko na lamang na hindi naman ako basta-basta gumagalaw ng babae na hindi ako sigurado kung malinis ba. "Kaibigan s'ya ng nakakabatang kapatid ko kaya naman kailangan ko s'yang asikasuhin at baka kung saan na naman ito sumakay at may maka-away na naman." Hindi ko alam kung bakit ba kailangan kong magpaliwanag pa sa kanila.. Sa tagal ko sa serbisyo ay nakilala na talaga nila akong mapaglaro sa babae,pero tulad nga ng sabi ko ay mapili ako sa babae. Kaya nga simula nang nakilala ko si Ava ay hindi na ako makipag-flirt pa sa ibang babae. Mabait kasi talaga ito at lagi n'yang ini-intindi ang aking sitwasyon. Kahit pa hindi s'ya virgin ay tinanggap ko iyon. "Kaibigan naman pala ng kapatid ni Sarhento," Sabi pa ng isa kong kasamahan na naging kaibigan ko na din. "Bawal s'ya buddy kaya h'wag n'yo na s'yang pangarapin." Sabi ko sa kanila ng makahulugan. Natawa na lamang ako sa mga reaction nila. "Sige na aalis na kami,mabilis lang ako kaya naman ayusin n'yo ang trabaho at baka mamaya ay masilip na naman tayo." Paalam ko sa kanila at laging nagpapa-alala. Sa galing kasi ng grupo namin ay marami ang naiinggit. Sa loob ng halos sampung taon ay nagawa kong makuha ang aking ranggo,dahil sa pagtyatyaga at ni minsan ay hindi ako humingi ng tulong sa daddy ko na isang business tycoon na hindi alam ng mga kasamahan ko. Mas ginusto ko na maging pribado pa din ang aking personal na buhay kahit pa nasa isang klase ng trabaho ako na kailangan makipaghalubilo sa mga tao. Hindi din ako pinigilan ni daddy na gawin ang mga gusto ko mula pa noong mag-aral ako ng pag-pupulis na kahit hindi n'ya ito gusto para sa akin ay sinuportahan n'ya pa din ako. Gusto ko ang propesyon na ito,kahit pa sa totoo lang ay matagal na din na sinabi sa akin ni Dad na anytime ay p'wede ko ng pamahalaan ang kompanya na matagal na panahon din nilang inaalagaan ni Lolo. May kapatid din si sa daddy na isang magaling na General at talaga naman na tinitingala ng lahat,pero hindi ako humingi ng tulong sa kan'ya. Bagkus ay nagsikap ako ,dahil gusto ko ay makilala ako bilang ako. "Sige sergeant DAKZ, ingatan mo si Miss Ganda." Bilin pa nila sa akin. Ito ang karaniwan na tawag nila sa akin kung hindi Sarhento ay sergeant DAKZ naman na maging sa bahay ay ito din ang tawag sa akin nila Mom at Dad. Hango ito sa aking pangalan na DAKZEIN. Maganda naman ang pangalan ko at kung dati ay nailalang ako sa tawag nila sa akin. Ngayon ay hindi na dahil unique kasi ito at isa pa ay Daks naman talaga ang kargada ko. Natatawa na lamang ako sa aking naiisip na naman. "DAKZ,iuuwi muna ba talaga ako?" Tanong n'ya sa akin at inilagay ko naman sa kan'yang ulo ang helmet,dahil wala akong dalang kotse. ku'ndi ang aking motor na nabili ko dahil sa aking sariling sikap. Isang ducati na talaga naman astig kapag ito ang gamit ko. Sanay na akong gamitin ito lalo na kapag nasa operation kami. Mas madaling gamitin ito kaysa sa kotse ko na iyon naman ay bigay ni Dad noong graduation ko. Ayaw ko sana tanggapin kaya lamang ay iniisip ko din na baka magtampo na ito sa akin. Panganay ako at ang aking gusto ay makapagpundar ako,galing sa pera na pinaghirapan ko. "Oo kailangan na kitang iuwi,dahil tulad ng sabi ko sa'yo kanina ay nakaka-abala ka na sa akin. May mga kailangan pa akong repasuhin na trabaho,pero dahil nandoon ka ay hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Alam mo Mara, hindi ko maintindihan kung bakit ba nandito ka at gumawa pa talaga ng eksena kanina." Mahinahon na sagot ko sa kan'ya,pero sa totoo lamang ay naiinis ako sa presensya n'ya ngayon. Nang makita ko s'ya kanina ay alam ko sa aking sarili na malaki ang pinagbago n'ya,mula sa pananamit hanggang sa ayos n'ya ngayon na parang dahil sa pagtira n'ya sa ibang bansa ay naging liberated na din s'ya. Sobrang laki ng kan'yang ipinagbago at parang naguilty pa ako dahil sa sinabi n'ya kanina na dahil sa aking sinabi noon sa kan'ya. Kaya n'ya binago ang kan'yang sarili. "Bakit naman kasi hindi ka na lang magtrabaho habang nandoon Ako?" Tanong pa n'ya. "Paano kung may biglaan na operation kami, hindi kita p'wedeng iwan sa presinto at baka kung anong gawin mo." "Wala ka bang tiwala sa akin?" "Wala!" Tipid kong sagot sa kan'ya. "Kanina lang ay halos magwala ka dahil sa ginawa sa'yo kuno na panghihipo. Sa tingin mo kung hindi ko na pakiusapan ang lalaking bimigbog mo ay baka dito ka talaga matutulog ngayon sa presinto. Hindi n'ya sinasadya ang nangyari at nagpaliwanag naman daw s'ya sa'yo ng maayos,pero imbes na pakinggan mo ay binugbog mo s'ya. Kahit saang anggulo ko tingnan ay mali ka Mara sa ginawa mo sa kan'ya. Knowing the fact na nakasakay kayo sa isang pampublikong sakayan na talagang siksikan at hindi mo alam kung sino ang makakatabi mo. At kung hindi ba naman gan'yan ng suot mo ay baka hindi nahawakan ni Manong ang hita mo na sinasabi mong hinipuan n'ya. " Naiinis kong paliwanag sa kan'ya at parang p'wede ng sabitan ng kaldero ang nguso nito ngayon sa haba. "Alam mo nakakainis ka DAKZ,gusto lang naman talaga kitang surpresahin at hindi ko naman akalain na magloloko ang kotse na dala ko. Tapos pagkatapos kong sumakay ng jeep para lamang makarating dito ay nagkandagulo-gulo pa at sige na aminado na akong over iyong reaction ko kanina. Pero isipin mo din naman na normal lamang para sa akin ng mag-react ng ganoon." "Tama na ang diskusyon na ito Mara,iuuwi na kita at please lang h'wag ka ng babalik ulit dito sa akin,baka mamaya ay makita ka pa ni Ava at pagmulan pa ng away namin." Sabi ko pa sa kan'ya at kita ko ang sakit na gumuhit sa kan'yang magagandang mga mata na tila ba nangungusap kapag tumingin. Hindi ko alam kung bakit ba obsessed na obsessed s'ya sa akin. Simula pa noon ay palagi n'ya nang pinagsisik-sikan ang kan'yang sarili sa akin. Para s'yang detective noon na nagugulat na lamang ako at bigla s'yang susulpot sa tuwing may ka-date ako. Ilang beses ko na din s'yang ipinahiya,dahil sa kan'yang ugali na para bang kasintahan ko kung umasta. Kaya nga walang nagtatagal na babae sa akin noon,dahil gumagawa talaga s'ya ng paraan para layuan ako ng mga babaeng nagiging malapit sa akin. At mukhang sa pagbabalik n'ya ngayon ay tila mas kailangan kong mag-ingat. Ang ganda n'ya sa totoo lang ay nakakahalina na animo isa itong dyosa. Pero wala itong dating sa akin at yan ang pinipilit kong itatak sa utak ko. Sumakay ako at hinintay ko naman s'yang makasakay. "Sakay na!" Utos ko sa kan'ya at tila napaisip naman ako,dahil s'ya pa lamang ang babaeng naisakay ko sa aking motor. Si Ava kasi ay ayaw sumakay dito, dahil hindi daw social tingnan kapag sa motorcycle sumasakay. Yes mabait si Ava kaya lamang ay maarte din ito sa ibang bagay at ang trip ko minsan ay hindi n'ya din gusto na hinayaan ko na lamang,dahil naiintindihan ko naman s'ya. Kaya nga kapag lalabas kam ay ang sports car ko ang aking ginagamit na gutong-gusto n'ya naman. Sumakay naman s'ya at humawak pa sa aking beywang,sa totoo lang ay hindi na s'ya hawak lang,dahil nakayakap na s'ya sa akin. "Higpitan mo ang kapit mo,baka mahulog ka." Sabi ko pa sa kan'ya bago ko ini-start ang aking motor. Maayos naman ang byahe namin at nararamdaman kong inaamoy n'ya ako sa likod. "Mara itigil mo yan." Saway ko pa sa kan'ya naramdaman ko kasi ang mainit na hininga n'ya sa leeg at ang pasaway ay tumayo pa talaga. Mabuti na lamang at maliit lamang s'yang babae. "Mara, h'wag kang masyadong malikot! Baka mahulog ka." Saad ko a at bumalik naman ito sa kan'yang pagkaka-upo. Napansin kong natahimik naman ito at hinayaan ko na lamang. Hanggang sa makarating kami sa bahay ng mga Reymond na isa din sa kilalang pamilya hindi lamang dito sa bansa maging sa iba't-ibang panig ng mundo,dahil sa kanilang sikat na paggawa ng furniture sa bahay na talaga naman pang-world class ang ganda. Maliban dito ay mga mga hotels at resort's din sila sa iba't-ibang panig ng bansa na talaga naman dinadayo dahil sa ganda. Magaling si Tito Royce sa pagdidi-senyo na namana din ng kan'yang mga anak. Si Javier na bestfriend ko ay isang magaling na veterinarian ay minabuti na muna iwan ang propesyon n'ya pansamanta para tumulong sa family business nila. Kaya naman ngayon ay kinukulit na naman ako ni Dad na iwan muna ang pagiging pulis ko para din matutukan ko ang kompanya. Mahirap maging isang panganay,dahil para bang pakiramdam ko ay sa akin nakaatang lahat ng responsibility. Tutulong naman ako kay Dad,pero may gusto lamang akong alamin pa sa pagkamatay ng Tito ko na itinuring kong parang tunay na ama. Namatay habang nasa isang operation at may kutob akong hindi iyon aksidente na tinamaan lang s'ya ng mga naka-engkwentro nila. Katatapos ko pa lamang noon na maka-graduate at halos hindi ko akalain na mawawala s'ya ng ganoon-ganoon lamang. May mga hinala na ako na inggit ang naging dahilan kung bakit namatay ang Tito ko,pero wala pa akong sapat na ebidensya sa ngayon na maaring magturo sa mga sangkot. Kaya pinagbubuti ko ang aking trabaho para tumaas pa ang ranggo ko. Kapag mas mataas na ranggo ay mas malaya akong makakagalaw. Ayaw kong sabihin kay Dad ang mga plano ko,kaya naman mag-isa ko itong ina-alam. Tanggap na kasi ni Dad ang nangyari kaya naman hindi n'ya na inalam pa ang nangyari. Masyadong malinis ang kanilang ginawang set up para maisagawa ang plano kay Tito kaya naman maging si Dad ay napaniwala nila. Pero ako ay hindi kailanman naniniwala sa mga sinasabi nila. Magaling ang Tito ko kaya naabot n'ya ang kan'yang ranggo bilang isang sa pinakamataas na ranggo sa kapulisan,bilang isang General na kinaiingitan ng iba. Lalo na ang mga naging kasabayan n'ya na may lihim na galit sa kan'ya.. Sa propesyon na pinili ko ay marami talaga akong makakabangga na malalaking sindikato. Kapag lumalabas nga kami nila Mom ay palagi akong alerto,dahil hindi ko alam kung kalaban na ba ang nasa harapan namin. Masarap na makatulong sa taong bayan, Pero buhay din namin ang kapalit sa bawat operation ay tila palaging nasa isang hukay ang mga paa namin. Dahil hindi naman namin alam kung ano ang magiging kapalaran namin. Lagi na lamang akong nanalangin na gabayan ako ng lumikha na makabalik pa ako sa aking pamilya. "Mara! Mara!" Tawag ko sa kan'ya,dahil tila nakatulog na ito sa aking likuran. "Hmm!" "Nandito na tayo." Sabi ko pa sa kan'ya at ang pasaway ay lalong yumakap pa sa akin at nagulat pa ako dahil pababa ang kamay n'ya. Papunta sa hindi dapat hawakan. Agad kong hinawakan ang kamay n'ya at inalis ito sa pagkakayakap sa akin. "Baba na!" Utos ko pa sa kan'ya. "Ayaw ko pa,dito lang ako." Sagot n'ya sa akin at wala akong nagawa ku'ndi ang bumaba muna para maibaba ko s'ya. Alam ko naman na hindi s'ya mahuhulog kaya naman akmang ibabalik n'ya pa ang mga kamay sa pagkakayakap sa akin ay pinilit ko ng makababa. Nang makababa ako ay sumimangot naman ito. "DAKZ naman eh! Yayakap lang naman ako sa'yo!" Nakanguso pa na sabi n'ya sa akin. "Halika na at bumaba ka na d'yan!" Pag-aya ko pa sa kan'ya. "Hindi dito lang ako sa motor mong ang sarap sakyan. Paano pa kaya kapag sa'yo na ako sumasakay? Baka mas masarap iyon!?"Sabi n'ya pa may pilyang ngiti sa kan'yang mga labi. Napapailing na lamang ako sa kakulitan at kung anu-ano na din ang lumalabas sa kan'yang bibig. "Hindi mo ako madadaan sa pagan'yan-gan'yan mo Mara,kaya halika na at bumaba ka na d'yan." Sabi ko pa at hinawakan na ito sa kan'yang beywang para buhatin na at tila wala talaga s'yang balak na bumaba sa motor ko. ITUTULOY...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD