CHAPTER:3

2000 Words
"DAKZ!" Napasigaw pa s'ya ng buhatin ko s'ya papasok ng bahay nila na sobrang laki din. Parang sako ng bigas ko kasi s'ya kung buhatin ngayon. Pagpasok namin ay diniretso ko na s'ya sa sofa. Ibaba ko na sana s'ya,pero kumapit ba naman sa damit ko ng mahigpit. "Baba na Mara, please!" Pakiusap ko na sa kan'ya. "Ayaw ko,dito ka na muna kasi." Malambing na sabi n'ya pa sa akin. Hindi ko alam kung paano ba ako makakaalis dito ngayon kung may parang tuko na nakakapit sa akin. "Sir DAKZEIN nandito po pala kayo." Si Manang Gloria na Yaya nila Javier ang nakakita sa amin at napangiti na lamang ito sa asal nitong alaga n'ya. "Xia, bumaba ka na nga Ija at hirap na hirap na sa'yo si Sir DAKZEIN." Saway nito kay Mara. "Gusto ko po kasi na dumito muna s'ya Yaya." Sagot ni Mara na parang bata pa din. Kung tutuusin ay kaya na nitong gumawa ng bata. "Bumaba ka ba d'yan at na hindi ka ba nahihiya d'yan sa ginagawa mo? Hindi na kayo mga bata." Tanong pa sa kan'ya ni Manang. "Hindi po ako mahihiya Yaya,dahil magiging asawa ko naman po si DAKZ." Sagot n'ya sa kan'yang Yaya na napapailing na lamang sa kan'ya. "Bahala ka na muna kay DAKZEIN at may niluluto pa ako sa kusina." Paalam pa ni Manang na hindi din kinaya ang kakulitan ng alaga n'ya. Hanggang sa marinig ko na tila may tumatawag sa aking cellphone. "Mara p'wede bang bumaba ka na dahil baka importante ang tumatawag sa akin." Sabi ko pa sa kan'ya ng mahinahon. "Bakit mas importante ba sila sa akin DAKZ?"tanong n'ya pa na hindi ko alam kung bakit ba ganito s'ya magtanong. Alam n'ya naman na importante din s'ya sa akin,kaya lamang ay ayaw ko lamang na nag-uumpisa na naman s'ya sa obsession n'ya sa akin. "Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang caller at nang makita ko ang pangalan ni Ava ay talagang pinilit ko ng bumaba si Mara. "Mara baba na please, tumatawag ang girlfriend ko." Utos ko pa sa kan'ya. At dahil ayaw n'ya ay wala na akong nagawa ku'ndi ang sapilitan s'yang tanggalin gamit ang mahiwagang kiliti na ginagawa ko sa kan'ya noon para lamang lubayan n'ya ako. Alam ko ang parte ng katawan n'ya kaya naman alam ko din kung saan malakas ang kiliti n'ya sa talampakan. Kiniliti ko ito at wala pang isang minuto ay bumitaw na agad s'ya sa akin. "Bumitaw ka din,sa wakas." Sabi ko pa at agad na akong tumakbo palabas ng bahay nila. "DAKZEIN!" Sigaw n'ya pa sa aking pangalan. Hindi ko na s'ya nilingon pa at agad na akong sumakay ng aking motor. Hindi ko din muna sinagot ang tawag ni Ava,dahil siguradong sisigaw si Mara na hindi nga ako nagkamali at sigurado akong gulo kapag nalaman nitong may kasama akong ibang babae. Ayaw ko lamang na mag-away kami. Nang medyo nakalayo na ako sa bahay nila ay saka ako huminto at agad na tinawagan si Ava. Hindi ko kasi p'wedeng hindi ito tawagan,dahil tiyak na away na naman ito. Mabait si Ava,pero ayaw n'ya na kapag tumawag s'ya ay hindi ko man lang sagutin at kapag nasagot ko na at narinig n'ya na ang aking boses,kahit ilang segundo lang ay okay na iyon sa kan'ya. O kaya naman kung hindi ko talaga p'wedeng sagutin ay itetext ko na lamang s'ya.. ""Hon, why didn't you answer my call?" Bungad n'yang tanong agad sa akin. "I'm sorry Hon,busy lang ako kanina sa pagmamaneho." Sagot ko s kan'ya. "Bakit ka nga pala napatawag?" Tanong ko pa. "Wala naman Hon,gusto ko lang ba icheck ka kung nasaan ka man ngayon at isa pa ay alam mo naman na kapag free time ko sa trabaho ay talagang tatawagan kita." Sagot n'ya sa akin. Si Ava kasi ay isang kilalang modelo at madalas nga ay lumalabas s'ya ng bansa para sa kan'yang trabaho lately. Kaya bihira din kami na magkita ngayon. Miss na miss ko na din ito,dahil halos tatlong buwan na kaming hindi nagkikita. "Kailan ba kasi ang balik mo dito sa bansa?" Tanong ko pa sa kan'ya. "Soon Hon,may tatapusin lang ako na isang commercial at babalik na din kami sa Pinas. Don't worry dahil after ng work ko dito ay humingi naman ako ng bakasyon sa manager at okay naman sa kan'ya. Kaya magkakaroon ako ng maraming time sa ating dalawa." Sagot n'ya sa akin at napangiti naman ako dahil sa naging sagot n'ya sa akin. "Okay Hon, salamat naman at magkakaroon na din tayo ng bonding. Lagi kang mag-iingat d'yan." Bilin ko pa sa kan'ya. "Oo naman mag-iingat talaga ako, pakakasalan mo pa ako di ba?" Sagot n'ya sa akin na tila patanong din. "Oo naman! Pakakasalan kita." Sagot ko sa kan'ya. Sa totoo lang ay may balak naman na talaga akong magpropose sa kan'ya. Pero bakit parang ngayon ay may pagdadalawang isip akong nararamdaman na hindi ko maintindihan kung bakit ba parang bigla itong nawala sa isipan ko. "Hon, nand'yan ka pa ba?" "Yes Hon,"tipid na sagot ko sa kan'ya. "I'll drop the call now because we're about to start." Saad n'ya pa mula sa kabilang linya. "Ganoon ba,sige na at magmaneho na ako ulit. Ang mga bilin ko ay h'wag mong kalimutan okay. H'wag magpapalipas ng pagkain." Sabi ko pa sa kan'ya at natawa naman ito mula sa kabilang linya. "Bakit ka naman tumatawa d'yan?" Tanong ko pa. " I'm sorry,pero natawa lang ako dahil mas grabe ka pa kung magbilin sa akin at nagpapasalamat ako dahil sa mga bilin ay talagang hindi ko nakakalimutan ang mga pang-snack ko dito sa set." Sagot n'ya sa akin. "Dahil alam kong busy ka at kailangan na paalalahan na kumain palagi." "Sige na Hon, tinatawag na nila ako. Ikaw din ay mag-iingat palagi sa bawat operation n'yo at h'wag din mag-skip ng pagkain." Paalala n'ya din sa akin. "I love you!" "I love you too Hon." Pagkatapos ng tawag ay sumakay na ulit ako sa aking motor at hindi na muna dumiretso sa presinto. Dumiretso ako sa kompanya nila Mara at gusto kong maka-usap ang aking bestfriend na si Javier,kung bakit hindi n'ya man lang sinabi sa akin na nakabalik na ng bansa ang kan'yang kapatid. Pagdating ko sa kompanya na pag-mamay-ari nila ay agad naman na nakita ako ng guard. "Good afternoon Sir DAKZEIN!" Pagbati n'ya sa akin. Tumango lamang ako at ngumiti dito. Isa ito sa pinakamatagal na empleyado nila dito. Marunong kasi sila na mag-alaga ng empleyado. Bata pa lamang kami nila Javier ay security guard na ito dito sa kanilang kompanya. Nang makapasok ako ay pinagtitinginan na naman ako ng mga empleyado na sanay naman na ako. "Sir DAKZEIN!" Tawag sa akin ng sekretarya ni Javier na masasabi kong papasa na ata na Maria Clara sa way ng pananamit nito na halos wala ng makita sa kan'ya ku'ndi mukha na lamang. Nakasuot ito ng mahabang palda na aabot na hanggang talampakan at ang damit nito ay bagama't okay naman sa paningin ko ay parang hindi bagay sa kan'ya. Naalala ko tuloy si Mara. Ganitong-ganito s'ya manamit noon na akala mo ay manang na manang. "Nandito ba ang sir Javier mo Tiffani?" Tanong ko pa sa kan'ya. "O-opo!" Sagot n'ya sa akin na medyo nabubulol pa. "Nasa opisina n'ya po." Dugtong n'ya pa. "Sige pupuntahan ko na lamang s'ya at pwede ba na ipagtimpla mo na din ako ng kape." Utos ko pa sa kan'ya. Masarap kasi itong magtimpla at natatawa pa ako sa kwento ni Javier sa akin na hindi ginagamit ang coffee maker kapag nagtitimpla. Dahil daw ang sagot nito sa kan'ya ay mas masarap ang kape kapag pinaghirapan. Masyado itong makaluma kung magsalita na hindi ko maintindihan kung paano ba s'ya bagung sekretarya ng bestfriend ko ba palagi na lamang nagpapalit ng sekretarya dahil sa sungit n'ya at pagiging strikto sa trabaho. Mabuti nga at itong si Tiffany ay nakakayanan naman ang ugali n'ya at parang sa pagkakatanda ko ay mahigit na itong dalawang nagtratrabaho sa kan'ya. Samantalang ang dating mga sekretarya n'ya ay tumatagal lamang ng halos isang linggo at ang iba pa nga ay hindi umaabot. "Sige po Sir, isusunod ko na lamang ang inyong kape." Magalang na sagot n'ya sa akin. Naglakad na ako palapit sa elevator at mabuti na lamang at hindi rush hour kaya hindi ito punuan. Agad naman akong nakarating sa pinakataas ng building na ito na may thirty five na palapag. Agad akong kumatok sa pinto at alam ko naman na busy ito kaya bahagya ko ng binuksan. "Hey, p'wede bang pumasok?" Tanong ko pa at busy nga ito sa kan'yang trabaho. "Bro, anong ginagawa mo dito?" Tanong n'ya sa akin. Tuluyan na din ako na pumasok at mas nakita ko pa ang kan'yang ginagawa. Marami s'yang kailangan na basahin na business proposal ata ito at marami pang mga mahahalgang papeles ang nasa ibabaw ng mesa n'ya ngayon. Sa dsmi ba naman ng branch ng Reymond's furniture at mga hotel's pa nila ay talagang kailangan n'ya itong matutukan. "Sobrang dami naman n'yan?" Patanong ko pang sabi sa kan'ya. "Yes may bago kasi kaming mga branches at kailangan ko na ayusin ito para matapos na agad." Sagot n'ya sa akin na sa monitor naman ng kan'yang laptop nakatingin. "Bakit ka nga pala nandito?"tanong n'ya pa ulit sa akin. "Wala naman gusto ko lang kasi na itanong sa'yo,kung bakit Hindi mo man lang sinabi sa akin na bumalik na pala ng bansa ang spoiled brat mong kapatid na walang ginawa ku'ndi sirain ang tahimik kong mundo. "Grabe naman iyong tahimik na mundo mo Bro,pero sa totoo ay nakalimutan ko ng sabihin sa'yo,dahil nagkataon na nagkaroon ng problema sa isa sa mga warehouse namin kaya naman nakalimutan ko ng sabihin sa'yo." Sagot n'ya sa akin na nagpaliwanag pa. "Bakit nagkita na ba kayo?" "Oo,at sa hinahatid ko pa lamang s'ya sa bahay n'yo na nahirapan pa akong makaalis. Dahil para na s'yang tuko kung makakapit sa akin. Nakasimagot na sagot ko pa sa kan'ya. "Ano na naman ba ang ginawa ng kapatid ko at napasugod ka dito?" "Ayon,makipag-away lang naman ang kapatid at gusto n'yang ipakulong ang lalaking nanghipo daw sa kan'ya sa jeep na sinakyan n'ya." Sagot ko na ikinatigil nito sa kan'yang ginagawa. "Bakit naman s'ya sumakay ng jeep?" "Nasiraan daw s'ya at ang nakakatawa pa ay mas kawawa iyong lalaki na sinasabi n'yang hinipuan s'ya ay bugbog sarado lang naman sa kapatid mong nalahian pa ata ni Gabriela Silang na napakatapang. Alam mo naman siguro na kapag nasa pampubliko tayong tranportasyon ay hindi natin alam ang galaw ng driver,bigla daw nag-preno kaya hindi daw sinasadya na mahawakan ang hita ng kapatid mo na nakasuot lang naman ng damit na kinulang sa tela." Mahabang paliwanag ko at maging ito ay napahawak na lamang sa kan'yang sintido. "Pasens'ya ka na Bro,sa ginawa n'ya,hayaan mo at kakausapin ko s'ya." Paghingi pa nito ng pasens'ya sa akin. "Wala naman sa akin iyon,at isa pa ay kapatid mo s'ya,kaya lamang Javier, hindi p'wede ang ginagawa n'ya na pupunta sa trabaho para lamang idistract ako at magpapansin." Sabi ko pa sa kan'ya. "Ibig mong sabihin ay talagang papunta s'ya sa'yo." "Yes." Tipid kong sagot na may patango-tango pa. "Kailangan mo talaga s'yang kausapin,dahil ayaw kong dahil sa kan'ya ay mag-away pa kami ni Ava na malapit ng bumalik sa bansa anytime." Ako na ang bahala sa kan'ya at hindi ko alam kung ano ba ang mayroon sa'yo at hanggang ngayon ata ay ikaw pa din ang ultimate crush n'ya." Natatawang sabi pa nito. "Ewan ko d'yan sa kapatid mo, ilang beses ko na ba s'yang ipinahiya noong college pa tayo? Pero parang balewala lamang sa kan'ya at iniisip n'ya pa noon na pakipot lamang ako at ang totoo daw ay gutong-gusto ko s'ya." Wika ko pa. "Wala ka nga ba talagang nararamdaman sa kan'ya Bro?" Tanong pa sa akin ng kaibigan ko. "Ano bang klaseng tanong yan Javier?" "Nagtatanong lang ako,bakit parang guilty ka d'yan?" Pang-aasar n'ya pa sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD