CHAPTER:4

1825 Words
XIAMARA'S P.O.V Naglalakad ako ngayon dito sa airport at alam kong halos lahat ng madadaanan ko ay nakatingin sa akin. Kakauwi ko lamang at masaya akong nakabalik sa bansa. Nakita ko na din sila Mom at Dad na kumakaway sa akin. Nandito na ang aking Kuya Javier pero bakit ganito ang aking pakiramdam kahit nandito na silang lahat ay may isang tao pa ako na gustong makita. Wala s'ya dito at gustuhin ko man na tanungin si Kuya ay nahihiya din ako. "Anak,kumusta ang byahe mo?" Masayang tanong sa akin ni Dad. "Okay naman po." Tipid kong sagot. "Grabe naman itong suot mo anak? Bakit naman ganito?" Takang tanong ni Mom sa akin,dati kasi ay hindi naman ako ganito manamit. Pero dahil sa may isang tao na nagsabi sa akin noon na ang manang ko daw manamit kaya naman ginawa ko ang lahat para masanay sa mga modernong pananamit ngayon na nagagawa ko naman. "Mom,ito po ang uso ngayon at isa pa po ay baka pagtawanan ako sa States kung ang suot ko ay kagaya ng dati na parang Manang." Sagot ko kay Mom.t "Hindi lang siguro sanay ang mommy na gan'yan ang suot mo bunso." Sabi naman ni Dad na kakampi ko sa lahat ng bagay. Kaya nga hindi ko ito magawang tanggihan ng sabihin nito sa akin six years ago na ang nakakalipas. Sa kagustuhan nito na sa America ako mag-aral ay wala akong nagawa ku'ndi sundin ito, kahit pa nga ayaw kong umalis noon dito sa bansa. Dahil malalayo ako kay DAKZ ang aking ultimate crush mula pa noong mga bata pa lamang kami. Wala akong ibang pinangarap na maging boyfriend, ku'ndi s'ya lamang at maging asawa ko kapag nasa tamang edad na kami at ngayon na ang panahon na iyon. Kaya naman after ko na matapos ang aking pag-aaral ay agad na akong umuwi dito. Nang makasakay kami sa kotse na dala ni Dad ay agad na kaming umuwi sa bahay at nanalangin ako na sana ay nandito ang lalaking gusto kong makita. Alam ko kasi na maaring imbitahan s'ya ni Kuya Javier since matalik silang magkaibigan nito at palaging magkasama noong college days nila. Hindi ko nga alam kung bakit ako lamang ang pinilit nila Dad na mag-aral sa ibang bansa. Samantalang si Kuya ay dito lang naman sa bansa nag-aral. Gustuhin ko man silang kwestyunin noon ay hindi ko magawa. Malaki ang respeto ko sa aking mga magulang. Masasabi kong maldita ako,pero pagdating sa aking mga magulang at hindi ko kayang magmaldita. Nang makarating kami sa bahay ay excited na akong bumaba at sumalubong naman sa akin si Yaya Gloria na s'yang nag-alaga sa akin noon mula baby pa lamang ako hanggang sa makaalis ako ng bansa. Sa totoo lang ay gusto ko s'yang isama noon sa ibang bansa para naman kahit nandoon ako ay may tao pa din na mag-aalaga sa akin. Kaya lamang ay sinabi din ni Dad noon na matanda na si Yaya at isa pa ay kailangan ko daw maging independent. Kaya naman mag-isa ako sa bahay namin doon. Ako Ang gumagawa ng lahat at natuto na din akong asikasuhin ang aking sarili na walang tumutulong sa akin. May naglilinis naman ng buong bahay, pero isang beses lamang sa isang linggo. Mayaman kami pero feeling ko ay inihahanda lamang ako nila Dad, hindi naman kasi talaga p'wedeng palagi na lamang akong naka-asa sa katulong. "Yaya!" Masayang lumapit ako dito at yumakap ng mahigpit na ginantihan naman nito. "Ang alaga ko dalagang-dalaga na." Nakangiti na sabi pa nito sa akin at alam kong masaya ito sa aking pag-uwi. Sinad'ya ko kasi na hindi talaga umuwi sa loob ng anim na taon,dahil baka kapag nakauwi n ako dito ay baka hindi ko na gustuhin na bumalik pa sa America. "Yaya namiss po kita super miss po." Malambing na sabi ko pa na lalong ikinangiti nito. "Ikaw talaga, namiss ka din ni Yaya ng super miss." Sabi n'ya din sa akin. Ganito s'ya sa amin ni Kuya kaya naman mahal na mahal namin si Yaya. Dahil din sa amin ay hindi na ito nag-asawa. Ang palagi n'yang sagot noon kila Mom at Dad kapag tinatanong s'ya kung bakit ayaw n'ya pang mag-asawa ay dahil daw sapat na kami sa kan'ya. S'ya din kasi ang nag-alaga kay Dad noon kaya naman tiwalang-tiwala na ito sa kan'yang kakayahan na maalagaan kami ni Kuya. Halos mahigit limang dekada na itong naninilbihan sa amin. Mula pa kila Lola at Lolo at hanggang sa amin. "Nakapagluto na po ba kayo Yaya Gloria?" Tanong pa ni Mom dito. "Opo Ma'am, katatapos lang namin at saktong-sakto po ang dating n'yo." Sagot ni Yaya na halata naman hanggang ngayon ay malakas pa din ito sa kabila ng kan'yang edad. Sa pagkakatanda ko ay nasa mahigit sixty plus na ito. "Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo para naman nakapagpahinga ka muna Bunso." Sabi pa ni Dad. Naglakad kami papasok at nanlumo ako ng hanggang dito sa bahay ay wala s'ya. Parang pakiramdam ko tuloy ay talagang balewala ako sa kan'ya. Samantalang noon nasa elementarya kami ay s'ya ang tagpagtanggol ko sa mga batang umaaway sa akin. Kaya nga doon nagsimula ang pagkakagusto ko sa kan'ya. At noong tumuntong ako ng second year high school ay doon din ako nag-umpisa na habol-habulin s'ya. College na sila ni Kuya noon at palagi akong pumupunta sa kanila para lamang makita ko s'ya. Kaya lamang ay simula ng umamin ako sa kan'ya ay tila nag-iba na ang pakikitungo nito sa akin. Palagi na lamang ay umiiwas ito sa akin. Hanggang sa nalaman ko na lamang na may girlfriend na ito na palagi akong gumagawa ng paraan para maghiwalay sila na ang palagi kong katulong noon sa mga ginagawa ko ay ang mismong kapatid n'ya na bestfriend ko din. Since ang mga magulang namin ay matalik na magkaibigan simula pa noon kaya naman maging kami na anak nila ay ganoon din. Sad'yang hindi ko maintindihan kay DAKZ kung bakit ba ayaw nito sa akin. Ilang beses n'ya ba akong pinahiya at ako naman ay tila na na-immune na. Pero ang huli na sinabi n'ya sa akin bago ako umalis noon ang tumatak sa aking isipan. Nang sabihin n'ya sa akin na muha akong manang sa aking pananamit. Ipinangako ko sa aking sarili mula noon sa aking pagbabalik dito sa bansa ay sisiguraduhin kong maglalaway s'ya sa akin. Nang makarating kami sa dining area ay nakahain na nga ang mga pagkain at naamoy ko kaaagad ang masarap na sinigang ni Yaya na paborito kong niluluto n'ya sa akin noon. Agad akong naupo. "Parang gutom na gutom ka naman n'yan Bunso." Biro pa ni Dad sa akin,dahil sumandok na agad ako ng kanin. "Kasi naman Dad,namiss ko ang luto ni Yaya na matagal kong hindi natikman at nagtya-tyaga ako sa aking niluto na okay naman pero iba pa din kapag si Yaya ang nagluto. The Best!" Sabi ko pa at natawa na lamang sila. "Binola na naman ako nitong alaga ko."Sabi pa ni Yaya at nagtawanan naman sila Dad. "Grabe ka naman Ya, hindi po iyon pambobola at isa pa ay kahit tanungin mo sila ay ganoon din po ang sasabihin nila." Sabi ko pa kay Yaya. "Tama naman po si Xia,magaling po talaga kayong magluto kaya naman hindi kami namamayat." Pagsang-ayon naman sa akin ni Kuya. "Salamat po Yaya,sa pag-aalaga sa amin." Sabi naman ni Dad na parang maiiyak na tuloy si Yaya. "Kayo talaga papaiyakin n'yo na naman ako.kain po kayo d'yan at nagluto din ako ng suman.para dito sa alaga ko na alam kong paborito iyon." Sabi pa nito at napansin ko pang bahagya n'ya na pinunasan ang kan'yang mga mata. Sa sobrang tagal sa amin nito maging sila Mom at Dad ay malaki din ang respeto sa kan'ya. Kaya naman masaya ako ba sila ang naging mga magulang ko,dahil mabait sila maging sa mga kasambahay at empleyado namin sa kompanya. Kumbaga sa madaling sabi ay marunong silang makisama at makibagay. Nang matapos kaming kumain ay naisipan kong mag-paalam na muna sa kanila. "Mom, Dad at Kuya akyat na muna ako sa kwarto." Paalam ko sa kanila. "Sige na Bunso at alam naman namin na pagod ka." Tumayo naman ako at naglakad na paakyat ng hagdan. Nang makarating ako sa aking kwarto ay wala pa din itong ipinagbago. Nandito pa din ang collection ko ng mga gitara na ang iba ay limited edition pa. Mahilig kasi akong tumutugtog gamit ito. Habang iniikot ko ang aking mga mata ay kinuha ko muna ang aking itinago na box sa gilid ng cabinet ko. Malinis ang buong kwarto ko at alam kong si Yaya ang naglilinis dito. Alam ni Yaya ang ugali ko kaya naman alam n'yang ayaw na ayaw kong pinapakialaman ang mga gamit ko. Kaya naman ganitong-ganito pa din ang pagkakalagay box dito sa gilid. Kinuha ko ito at dinala sa aking kama. Punong-puno kasi ito ng mga pictures ni DAKZEIN at noon nga ay nakalagay pa itong lahat dito sa kwarto ko at syemp're wala akong ibang pinapasok dito maliban kay Manang at si Mom naman ay busy din kaya naman bihira din kaming magbonding noon na naiintindihan ko naman. Kapag naman kasi kailangan ko ito ay palagi naman itong nand'yan para sa akin. Kaya lamang ay dahil sa family business namin ay kailangan n'ya din tulungan si Dad. Nagningning pa ang aking mga mata ng makita ko na muli ang napakagwapo n'yang mukha noon na s'yang kinababaliwan ko at araw-araw nga ay sinusundan ko s'ya noon na para na akong paparazzi sa isang artista dahil sa aking ginagawa na hindi ko naman pinagsisihan,dahil heto at ang dami ko sa kan'yang stolen shots na lahat ay maganda ang kuha Ganito ako kadesperada sa kan'ya. Hinalik-halikan ko pa ang isa mga paborito kong kuha sa kan'ya kung saan ay nakahiga s'ya sa itaas ng puno at nakapikit. Nalaglag pa nga ako noon sa,dahil umakyat din ako sa isang puno para lamang makunan s'ya ng magandang shots. Sulit naman ang pagsakit ng balakang ko at pang-upo dahil nagawa ko s'yang makunan ng picture. "Humanda ka sa akin,dahil sisiguraduhin kong magiging akin ka na ngayon DAKZ,tutuparin ko na ang aking pangarap noon na maging isang Mrs. DAKZEIN RAMIREZ" nakangiti na kausap ko pa sa kan'yang picture. Ganito ako noon kinausap ko ang mga kuha long picture n'ya. Inayos ko na muna ito at ibinalik sa cabinet. Kaya lamang ng magpunta ako sa America ay isang picture n'ya lamang ang dinala ko. Iyong picture noong mga bata pa kami at nakaakbay s'ya sa akin. Pinilit ko din na h'wag alamin ang mga ginagawa n'ya dito sa Pilipinas,pero dahil sa bestfriend ko ang nakakabatang kapatid n'ya ay ito na din ang nagsasabi sa akin ng ilang kaganapan sa buhay nito. At nasabi nito sa akin na malapit na daw mag-propose ang Kuya n'ya sa girlfriend nito na kailangan kong mapigilan. Wala pan akong naiisip na plano sa ngayon,pero gusto ko na makita muna s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD