Nang matapos si Jane na linisan ang maliit na sugat ni Ava ay bumalik na ito sa pag-aasikaso ng kanilang pananghalian. Hindi na din s'ya nagpatulong sa mga kasambahay,dahil kila Xia at Myles na pumalit kay Ava para tulungan s'ya. Si Ava naman ay nasa gilid lamang at nagmamasid sa ginagawa nila. "Tita may maitutulong pa ba ako sa inyo?"tanong pa ni Ava na pinipilit na maging okay sila. Ramdam n'ya naman na hindi nito nagustuhan ang ginawa n'ya kanina kay Xia. Nagtanong lang naman s'ya at oo ayaw n'yang maging impokrita naiinis s'ya sa presen'sya ni Mara sa bahay ng kan'yang boyfriend. Pakiramdam n'ya tuloy ngayon ay wala s'yang silbi. "H'wag ka ng tumulong Ava,dahil kaya na namin ito nila Xia." Sagot ni Jane na lalong ikinasama ng loob ni Ava. Habang sila Myles at Xia naman ay nagk

