"Myles, p'wede bang h'wag kang masyadong maingay." Saway ni Dakz sa kan'yang nakakabatang kapatid na palaging hyper. "Ito naman si Kuya,parang hindi man lang ako namiss." Nagtatampo na sabi pa ni Myles. "Tumigil ka nga d'yan Myles, hindi ka ba nahihiya sa Kuya Javier mo at maging sa bestfriend mo." "Ay,naman Kuya sa tagal akong kilala ng mga yan ay sanay na sila sa akin." Sagot ni Myles sa Kuya n'ya at si Javier ay natawa na lamang,dahil iba din kasi talaga ang kakulitan ni Myles. "Bakit naman hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka pala ngayon Kuya?" Tanong pa ni Myles sa Kuya n'ya. Hindi n'ya kasi alam na uuwi ito ngayon. Kaya naman maging s'ya ay nagulat. "Gusto ko lang sana na surpresahin kayo nila Mom at Dad,pero imbes na kayo lang ang masurpresa. Maging ako ay nagulat din." Mak

