Chapter 65: Winston Gaya nang pinag-usapan nina Gabriel at Kristen ay nauna nga ang babae sa parking lot. Naabutan niya itong nakaupo lang sa ibabaw ng kanyang motorsiklo. Kaagad siyang napansin nito at ngumiting tumayo. Ang buong akala ni Gabriel ay doon na muna nagtambay pa ang babae sa cafeteria. Dahil iyon ang sinabi sa kanya ni Kristen nang kumain sila sa restaurant na kanilang kinainan kanina. Nang makalapit na si Gabriel sa babae ay ngumiti lang siya rito. Medyo napagod siya sa klase ngayon hapon. Gusto niyang matulog ng buong gabi ang kaso marami pa rin siyang ginagawa. "What's with that face?" tanong ng babae sa kanya at umusog ng kaunti dahil nasa motor na siya. "Nakakapagod, ang dami ko pang hahabulin para sa midterm week." Suminghap si Gabriel ng hangin at inilapag niya m

