Chapter 61: Sorrow Dumaan ang mga oras na hindi pa rin bumabalik si Doc Gonzales. Habang lumilipas ang oras ay mas lalo pa akong kinakabahan. Gusto ko nang takbuhin ang room kung saan ngayon si Mama. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang aking sarili. Hindi ko kakayaning mawala si Mama kahit na magkakasama na sila ni Papa. "Huwag mo munang isipin si Tita Gab. Magtiwala nalang tayo kay Doctor Gonzales. Magaling siyang doktor at kaya niyang gamotin ang Mama mo." Marahan akong tumango kay Kristen. Magmula kanina ay hindi pa siya umaalis. Iyon nga lang ay ngayon pa niya nagawang kumausap sa akin. "I'm sorry sa inakto ko kanina. Talagang hindi ko nagawang kontrolin ang sarili ko. Na-realized ko lang ang lahat lately nang mag-usap kami ng doktor." "Wala iyon sa akin Gab, sorry rin d

