Chapter 62: Bagong Kabanata Sobrang bilis na lumipas ang mga araw para kay Gabriel. Parang isang bula lang ang lahat mula noong mamatay ang kanyang Mama. Ngayon ay ibang panibagong kabanata ng buhay ang kanyang tatahakin. Isang linggo na ang nakalilipas. Tanging kanyang Lolo nalang ang nakakasama ni Gabriel sa kanilang bahay. Kinusap siya ng pamilya ng kanyang Papa ngunit hindi siya pumayag na doon tumira. Hangga't maaari ay ayaw niyang iwan ang kanyang Lolo. Matanda na ito at hindi magandang iwan mag-isa lalo na kapag gabi. Ang buong akala ni Gabriel ay walang-wala na siya dahil tanging mga magulang lang ang nagpaparal sa kanya. Ngunit, lingid sa kanyang kaalaman ay may naipon palang malaking halaga ang mga magulang para sa kanya. Sapat na sapat na ang malaking pera na iyon para sa k

