Chapter 63: Binyag Natapos ang buong klase ni Gabriel na walang gaanong ganap. Pwera nalang kay Tyler na panay pa rin ang tingin ng dating kaibigan sa kanya. Patungo na siya ng parking lot nang may natatanaw siyang babae sa may malaking kahoy. Hindi ito kalayuan sa kanyang motor. Ilang distansya lang ang pagitan nito. Napatitig si Gabriel sa babae. Doon niya lang napagtanto na si Joan Salvacion iyon. Nakita na niya ang babaeng multo sa kanyang panaginip na ganoon kaganda ngunit iba ang ganda niya sa personal kahit multo na ito. Gustuhin man ni Gabriel na huwag lapitan ang babaeng multo ngunit naaawa siya rito. Nangako na siya sa kanyang sarili na huwag na munang makialam sa mga kaganapan sa University ngunit si Joan Salvacion? Labis siyang naaawa. Habang palapit siya sa babae

