Chapter 79: Cool Off WALA pang kwarenta minuto ay natapos na ni Gabriel ang pasulit. Sobrang gaan ng kanyang pakiramdam dahil sobrang dali ng mga tanong. Nasa labas lamang siya na naghihintay kay Tyler. May mga natapos na rin na kanyang mga kaklase. Ngunit sa lahat ay siya ang pinakauna. Habang naghihintay siya sa kaibigan ay nahagip ng mga ni Gabriel si Professor Marcus. May dala na naman itong pagkain at parehong direksyon ang pinuntahan nito. Sobrang na-curious na talaga siya sa professor. Una, nasa department na kanyang kinatatayuan ang office nito. At pangalawa naman ay malabong mga aso ang pinapakain ng professor dahil mga bagong pagkain naman iyon. Akmang aalis siya upang sundan si Professor Marcus nang may biglang humawak sa kanyang bag. Napaatras nalang bigla si Gabriel. "Saan

