CHAPTER SEVENTY-EIGHT

2998 Words

Chapter 78: Missed Calls NANG masigurong maayos na ang kalagayan ng bata ay binihisan iyon nina Gabriel. Napag-desisyunan ng batang lalaki na umalis na baka raw hinahanap na ito ng mga magulang. Pumayag sila at pinadala ang mga lumang damit. Pinadala na rin nila ang iba pang pagkain para may makain ito sa daan. Gustuhin man nilang pakainin ito ng kanin at ulam ngunit wala pang luto. "Paano Gab?" wika ni Tyler. "Hindi na rin kami magtatagal dahil dalawang subjects pa ang exam natin bukas," aniya. "Sige, maraming salamat sa mga tulong ninyo, ha."  "No problem Gab," si Kristen ang sumagot. "Paano alis na kami...Lolo Austing mauuna na po kami, ha?" nilakihan ni Kristen ang kanyang boses dahil nandoon sa kusina ang abuelo. "Sige, balik kayo sa susunod rito pagkatapos ng inyong mga exams,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD