Chapter 90: Kustodiya WALA nang pakialam si Gabriel kung maniniwala sa kanya ibang tao o hindi. Ang importante ay masabi niya talaga kung ano ang katotohan kung bakit niya natagpuan ang batang si Winston. "Gabi na iyon ang isasara ko na sana ang bintana ng aking kuwarto. May isang bata sa harap ng aming pintuan. Bumaba ako para buksan ito at matanong kung ano ang kailangan. Ngunit dinala niya ako kung saan si Winston. Doon ay nakita ko ang kalunos-lunos na nangyari sa bata. May malaking hiwa ng sugat at maraming dugo sa katawan nito." "Iyon naman pala Mr. Arbutante," nagliwanag ang mukha ang abogado. "Maaari mo bang sabihin sa amin kung sino ang bata at nandito ba siya?" Umiling si Gabriel, "wala siya rito at hindi na siya babalik kailanman," aniya sa abagado. Sigurado si Gabriel

