Chapter 67: Babaeng Multo Madaling araw na nang matapos ang pag-aaral ni Gabriel. Tulog na ang kanyang Lolo Austing at maging si gWinston ay ganoon din. Habang nakatingin sa dalawa ay may awang naramdaman ang binata. Awa dahil sa kalagayan nila ngayon. Nakakatuwang isipin na parang miyembro na talaga ng pamilya si Winston lalo na kung paano nila ito tratuhin. Pumwesto si Gabriel sa sofa at doon ay natulog na siya. Mabuti na lamang dahil nagkaroon pa siya ng oras para makatulog. Sobrang epektibo talaga ng pakikinig nang music habang nag-aaral. Ngunit naka-dipende na rin iyon sa estudyante kung paano magkaroon ng effective studying habit. Dahil sa medyo napagod siya sa pag-aaral. Mabilis na niyang nakatulugan ang puyat. Kinaumagahan, nagising si Gabriel dahil sa mahihinang kaluskos na

