Chapter 67: Governor After class ay umuwi na muna kaagad si Gabriel sa kanilang bahay upang ayusin ang dapat na ayusin. Mabilis niyang naitipon ang mga maruruming damit, isinali na rin ni Gabriel ang mga damit ng kanyang Lolo Austing. Hiniwalay niya muna ang mga may kulay sa puti. Nauna niyang ilagay ang mga may kulay na damit sa washing manchine. Ang puting damit kasabay ng kanyang uniform at kukusutin niya nalang ang mga ito. Mas mainam para ma-maintain talaga ang tingkad at puti na kulay. Mas nauna pa niyang matapos ang pagkusot sa mga puti kaya sinampay na niya ang mga ito. Sobrang dilim sa labas ngunit hindi naman iyon mananakaw dahil may gate ang sa likod bahay nila. Nang matapos na ang lahat ay naghanda na siya para umalis. Ini-lock niya muna ang pinto at pagkatapos ay nagmadalin

