Chapter 66: Pleasure "Hindi magtatagal ang away kung ang isa sa kanila ay maging fair sa lahat. Nang magtagal na sila bakanteng lote ay ang ending nakaliban sila sa first subject nila. Minabuti ng apat na dumiritso sa subejct ni Professor Marcus. Ang kaninang awkward na sandali ngayon ay bumalik na silang lahat sa kanilang dating samahan. Hindi man iyon full ngunit magagawa rin nilang mag-adjust sa lahat ng aspeto. Nasa room na sila at eksaktong pumasok na rin ang professor. Kung titingnan si Professor Marcus ay tila wala itong problema. Hindi mo malalaman talaga dahil isang beses lang nakita ni Gabriel na nagluksa ang professor buhat nang mawala si Galvez! Kaagad na nagsimula ang professor sa pagtuturo. Nakakapanibago lang dahil wala itong ganap ngayon na film showing. Eh, naisip ni

