Chapter 77: Pamamaalam LAKING pasasalamat ni Gabriel nang madali niyang natapos ang exam. Kagaya ng nakagawian ay lumabas siya. Hindi sila puwedeng magtambay sa loob dahil marami pa ang sumasagot. At kabilang na doon si Tyler and Kristen. Medyo kinabahan si Gabriel para kay Kristen. Magkakaroon ng pag-uusap between sa babae at ng proctor. Para kay Gabriel ay tama lang naman na ginawa iyon ng kaibigan. Hindi tamang palalabasin ang isang estudyante dahil lang sa joke na hindi naman ito ang kanilang professor. Wala naman sigurong masama kung gawing biro ang sharing of answer. Biro lang iyon, puwedeng mangyari at puwede ring hindi. Magkasabay lang na natapos ang dalawang magkasintahan. Nakita ni Gabriel na kinausap ng proctor si Kristen. Saglit lang iyon at lumabas na ang dalawa. "Takot

