Chapter 81: Birthday NAIMULAT ni Gabriel ang kanyang mga mata. Nararamdaman niya na parang maraming gumagalaw sa kanyang sugat. Alam niya kung ano ang mga iyon. Kaagad siyang nandiri. Hindi niya kayang hawakan ang sugat niyang palalim ng palalim at ginawang kainan ng mga pesting insekto! Pagdilat ng kanyang mga mata ay parang dinuduyan na naman siya. Tila naka-droga siya dahil sa kakaibang nararamdaman sa utak. Dagdagan pa ng kanyang sugat! Habang tumatagal ay mas nanghihina pa siya. Ang tubig na naririnig ng kanyang mga kasamahan ay wala pa. Pilit na naghuhukay ang mga ito. Natulog siya ulit. Gusto niyang mag-ipon pa ng lakas. Alam niyang hindi titigil ang kanyang mga kaibigan sa paghahanap sa kanila. Maliban nalang kay Tyler! Bago pa siya nawalan ng malay ay nanlabo ang kanyang mga

