Chapter 73: Tagu-taguan Naibuka ko ang aking mga mata. Punong-puno ng pag-asa sa isang silid na wala akong makitang kahit na ano. Tanging mga boses nalang namin ang nagbibigay komunikasyon sa aming lima. "Bago paman pumanaw si Kelvin, ay nasabi niya sa akin na may kung anong kakaiba sa University natin." Mababakas ang lungkot sa boses ni Mark. "Sinong Kelvin?" si Angel ang nagtanong. "Si Kelvin ang kauna-unahang nawawalang estudyante, namatay siya dahil natuklasan niya kung sino ang mga dumukot sa amin." Si Anthony ang sumagot. "Teka, bakit wala kaming nabalitaan sa kanya? Kayo lang ang alam naming nawawala." Mababakas ang pagtataka ni Angel sa boses. Maging ako ay hindi ko kilala si Kelvin. Wala akong nababalitaan tungkol sa kanya dahil wala namang report sa kanyang pagkakawala.

