Chapter 74: Seduction DAHIL sa ekpresyon ng mukha ni Angel ay nagawang makaramdam ni Gabriel ng kakaibang init sa katawan. Mas lalo pa siya nitong pinapanabik nang kinindatan siya ng dalaga. "Ano, game na ba ang lahat?" sa kanilang lahat ay mas excited pa si Tyler. Kitang-kita ni Gabriel kung paano nito tingnan ang nobyang si Kristen. "Simula na tayo," si Gilbert. "Ano ang mechanics ng game?" "Simple lang. Hindi dapat kayo maghihiwalay ng pagtago. Ang scope lang ng ating laro ay dapat nasa loob lang ng bahay. Walang dapat lalabas para hindi mahirap hanapin. At ang couple na mauunang makita ay siyang kasunod na taya." "Game," si Mariel. "Kaya Gab?" tanong ni Tyler. "Game," mabilis na tugon ni Angel at kumapit na ito sa kanyang beywang. Lihim siyang natuwa sa ginawa ng dalaga. It see

