Chapter 75: Professor Marcus HABANG nakatingin sa mga bituin sa kalangitan mula sa bintana ay kinakabahan si Gabriel. Muli na naman niyang naisipan na pagsabihan si Angel na medyo dumistansya nalang muna kay Henderson. Una, hindi pa nila ito masiyadong kilala ang instructor at pangalawa, hindi maganda sa mga mata ng nakakilala sa kanila. "Hindi ka pa ba tayo matutulog?" Nagulat si Gabriel nang biglang nagsalita ang dalaga sa kanyang likuran. Hindi niya ito napansing lumapit sa kanya. Hinarap niya si Angel. Basa pa ang mga buhok nito ngunit nakabihis na ng pantulog. Mabuti nalang at may extra na pantulog si Kristen. "Puwede ba tayong mag-usap muna?" "Tungkol saan?" medyo kumunot ang noo ni Angel. Mas lalo pa siyang kinabahan. Paano niya ba sasabihin sa dalaga para hindi nito ma-mis

