Chapter 93: Kidnapped NAKATINGIN lang si Gabriel kay Mariel na noo’y nag-iba bigla ang ekpresyon ng mukha nang oras na nito para magkuwento. Inakbayan niya na rin si Angel at dinala niya ang ulo ng dalaga sa kanyang dibdib. Napayakap si Angel sa kanyang beywang. At naging komportable ito sa kanilang posisyon dalawa. “Talaga bang willing kayo na makinig sa kuwento ng aking buhay?” tila nag-aalinlangan si Mariel. “Ang boring ng life ko.” “Ang daya mo, ako pinakuwento mo tapos ikaw hindi?” usal ni Gilbert sa kasintahan. “Hindi ko naman sinabing wala akong iku-kuwento. Tinanong ko lang kung willing ba silang makinig.” Napatingin lang si Gabriel sa dalawa, “ayan na naman sila,”mahinang sambit niya. “Hayaan mo nalang, tingnan mo nalang ang mga ‘yan.” “Ganyan ba talaga sila Angel? Mukhang

