Chapter 94: Underground HALOS paliparin na ni Tyler ang sasakyan nito para lang mahabol nila sina Gilbert at Mariel pati na rin ang mga kidnapper. Hindi lang nag-aalala si Gabriel sa dalawang kabigan. Nag-aalala din siya para sa kalagayan no’ng batang dinukot. Kailangan nilang mailigtas ang batang iyon. Baka malala pa ang sapitin nito kaysa kay Winston. “Hindi ba sila ma-track ng location natin? Baka nag-open location si Mariel, iyon ang inutos ko sa kanya,” wika ni Tyler habang nagmamaneho ito. Sobrang focus ng lalaki. At hindi man lang nito nagawang lumingon. “Sinusubukan ko ngunit wala, eh. Possible kayang natuntunton na nila kung saan ang hideout ng mga kidnapper na iyon?” ganoon din si Kristen. Sobrang focus nito at hindi inalis ang tingin sa cellphone. “Sandali,” biglang wika ni

