Chapter 22: Bulto ng Tao Napatingin ako sa direksyon na kung saan si Tyler nakatingin at nagsisisigaw. Mabilis kaming nakalapit sa kanya na punong-puno ng pag-aalala. Tila nakakita ito ng multo at naginginig sa takot. "Ty, are you okey?" Tanong ko sa kanya. Pawis na pawis ang kanyang mga mata at naluluha ito sa sobrang takot. "S-s-si Pro-professor So-sotto." Nanginginig at garalgal ang kanyang boses. Nagtinginan kami ni Angel. Gulat na gulat siya ang nanlaki ang kanya mga mata. Hindi na ako nagulat dahil nakita ko na siya kanina. Ngunit bakit siya ngayon nagmumulto? "Tyler, sabihin mo sa amin kung ano ang nakita mo?" Maingat na tanong ni Angel sa lalaki. "Na-nakita ko siya diyan." Itinuro niya ang malaking kahoy na sobrang dilim. Tanging buwan na lang ang nagpapailaw rito. "Gab, ang

