Chapter 57: Banta Sobrang bilis na nagdaan ang oras. Tama nga ang sinabi ni Lolo. Inaantok ako dahil sa maaga akong nagising at hindi ko rin alam kung anong oras kaming nagising ni Angel kagabi. Sobrang sariwa pa sa aking alaala ang nangyari sa amin. Hindi ko iyon pinagsisihan at iyon na siguro ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin. "Hoy," tinulak ako ni Tyler. Mabuti nalang at mahina lang iyon. "Inaantok ka ba o nagdi-day dream?" Inirapan ko siya, "both, panira ka naman ng moment, eh." "Eh? Ano ba iyong nasa day dream mo kuno, abir?" "Basta, Pampawala ko to ng antok." giit ko sa kanya at bumalik sa aking pwesto. "Hindi mo naman kailangan gawin yan, eh. Kaklase natin si Angel ngayon kaya magtino ka." "Gagi,walang masama sa iniisip ko." Hindi ko naman pipantasyahan ang nobya

