Chapter 58: Star Gazing "Dapat na ba nating sabihan si Doc Gonzales?" Nag-aalalang tanong ni Kristen. "Hindi pa sa ngayon. Hindi pa alam ni Reynan kung saan tayo nakatira. Sisiguraduhin natin na sa oras na nalaman ni Reynan kung saan tayo ay uunahan na natin siya." Palipat-lipat ng tingin sa amin si Tyler. "Ano ang ibig mong sabihin Ty?" Kumunot ang noo ni Angel. Masama ang kutob ko sa binabalak ni Tyler. Gusto kong mamatay si Reynan ngunit hindi sa mga kamay namin. Naniniwala pa rin ako na isang malaking kasalanan ang kumitil ng buhay! "May dalawa lang tayo na pamimilian, it's either tatakas tayo o haharapin siya. Kung tatakas tayo ay walang kasiguraduhan na hindi niya tayo matutonton. At kung haharapin natin siya unahan lang 'yan. Mapapatay natin siya o si Reynan at kanyang mga kasa

