Chapter 59: Kidnapped Pagdating namin sa University ay may na-recieve na naman akong text message. Gaya nang naunang text ay pagbabanta pa rin iyon. Malakas ang kutob ko na si Reynan talaga ang nagpapadala sa akin ng mensahe. "May nag-text na naman ba?" tanong sa akin ni Tyler. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Kahit na may pagbabanta sa akin ay hindi pa rin ako natatakot. Ngayon pa na alam na namin kung sino ang kriminal. "Excuse me!" Napatingin kami nang may biglang dumating. Napatayo kami kaagad ni Tyler nang si Kristen iyon. "Nandito ba sila?" Sumunod si Mariel. Pinapawisan ang dalawang babae kung kayat napalapit kami ni Tyler sa kanilang dalawa. "Baki? Ano ang nangyari sa inyo? Pawisan kayo." Mas nauna pang lumapit si Tyler sa akin. "Si Angel." Hiningal na wika ni Kri

