Chapter 71: Lust at First Sight Nasa time na sila ni Professor Marcus at abala si Gabriel sa kakatingin sa labas. Wala pa rin si Angel. Mahigit trenta minutos na itong late. "Oy, ano ba ang ginagawa mo diyan? Baka mapansin ka ni Professor Marcus na hindi nakikinig sa kanyang review." Mahinang bulong ni Tyler sa kanya at umusog ito ng kaunti. "Wala pa kasi si Angel. Nag-aalala na ako sa kanya." "Oo nga ano?" nagtaka ang mukha ni Tyler at tumingin ito sa upuan ng dalaga. "Saan na pala siya?" "Iyon ang ipinagtataka ko, eh. Sigurado akong may ginagawa iyong importante dahil nagawa nitong lumiban." "Sabagay, pero edi kaya magkasama sila ngayon ni Sir Henderson?" "Ha?" umawang ang labi ni Gabriel. Hindi niya iyon inasahan. "Baka lang, pero possible rin. Sila naman kasi ang magkasama ka

