PART 3 “Ano po pala ang ginawa ninyo dito Doc?” tanong ko kay Doctor Gonzales. Alam kung may importanteng sadya siya rito. “I come here para sunduin ka. Hindi puwedeng hahayaan nalang kita. I saw the video when Henderson grabbed your arm. Isa iyong harassment at mas malala pa ang kanyang gagawin sa susunod. “Video?” mabilis kong natandaan ang ginawa iyon ni Leo. “Si Leo po ba ang isa sa mga pinadala mo sa campus Doc?” mahina kong tanong. Siniguro ko iyon upang walang makarinig. “You’re right. I’m glad dahil nakilala mo na siya.” “Yeah, ang weird niya minsan kasi kahit saan nalang siya sumusulpot.” “Pagpasensyahan mo na siya. Talagang binilin ko sa kanila na tingnan ka palagi baka ikaw ang isunod na dukutin.” “Maraming salamat po,” ngumiti ako ng matamis kay Doktor Gonzales. “Handa

