Chapter 87: Unbreakable MAAGANG nagising si Gabriel. Sinadya niya talaga iyon upang hindi siya maabutan ng hapon or worst gabi. Wala pang kasiguraduhan na mahahanap niya ang bahay at pamilya ni Mark Zarate. "Saan ka pupunta apo? Mukhang nagmamadali ka ha?" "Naku Lo, may importante po akong gagawin kina Kristen. May tatapusin akong isang project upang makahabol sa midterm grade," pagsisinungaling ni Gabriel. Hindi niya puwedeng sabihin sa abuelo kung saan at ano ang kanyang sadya. Matanda na ito at hanggat maaari ay maalis niya ito sa stress. "Ganoon ba. Sana ay magawa mo iyan para makahabol ka. Pero huwag kang magmadaling kumain." Napansin pala iyon ng abuelo. Binagalan niya ng bahagya ang pagkain at nahihiyang ngumiti. Sa tuwing may gagawin siya na mahalaga ay ganoon si Gabriel. Til

