Chapter 86: Linggo KINABUKASAN, matagal na gumising si Gabriel dahil wala namang pasok at linggo. Napamulat lang siya ng kanyang mga mata dahil may mahinong kumakatok sa pinto. Bago paman siya bumangon ay tinignan niya ang oras ng kanyang cellphone. Pasado alas dyes na ng umaga. Mabilis siyang bumangon at tinungo ang pinto. Pagkabukas niyon ay tumambad sa kanya ang abuelo na may magandang ngiti sa labi nito. "Bumangon ka na para kumain. Masakit sa katawan kapag matagal kang bumangon," ani nito. Ngumiti si Gabriel rito, "sige po Lo. Aayusin ko lang po itong aking mga higaan." "Sige." Pagkatalikod ng kanyang Lolo Austing ay mabilis niyang inayos ang mga unan at bed sheet. Tiningnan niya ang lagayan ng labahin. Kaunti pa iyon. Baka sa susunod na araw nalang siya maglalaba gamit ang

