Chapter 85: Plano BUMALIK ang mga tao sa loob ng bahay. Rinig na rinig ni Gabriel ang bulungan ng mga ito tungkol sa oras. Mukhang seneryoso talaga ng mga ito ang sinabi Angel . Ngunit magaling na ang matanda. At mukhang wala talaga itong naaalala sa mga nangyayari kanina. Nagulat pa nga ito nang makita na may mga insekto sa loob ng kanyang silid. "Magaling na si Bening. Hindi niyo na siya kailangang parusahan pa. Wala na ang kaluluwang sumapi sa matanda," paliwanag ni Angel sa mga tao ngunit kumunot lang ang noo ng mga ito. "Paano kami maniniwala sainyo? Baka gusto niyo nalang siyang protektahan," galit na wika ni Rosetta. "Rosetta," sambit ng matanda. "Ano ang nangyayari? Bakit hindi ko alam kung ano ang mga kaganapan?" "Huwag ka nang magkaila Tay. Ikaw ang mambabarang at ikaw ang

