MATAPOS kumain ng hapunan ay naiwan sa kusina sina Angelu at Timothy dahil inutusan ni Angelu ang Yaya ng kambal na hugasan ang katawan ng mga ito saka palitan ng pantulog na damit upang makapaghanda ng matulog matapos uminom ng gatas. “Gelu, doon ka na sa kwarto ko matulog. Ilipat mo na ang mga gamit mo doon,” sabi ni Timothy na bumasag ng katahimikan nila. Naghuhugas ng plato si Timothy habang si Angelu naman ay nililinisan ang lamesa. “Hindi p’wede baka mahuli tayo ng mga bata at maguluhan sila,” tanggi niya. “Sabihin natin na nagkabalikan na tayo saka magpapakasal tayo,” tugon ni Timothy. Nagulat na napatingin si Angelu kay Timothy. Magulo pa talaga ang pagkakaayos nila ni Timothy dahil wala namang paliwanag sa kaniya ang binata kung bakit siya iniwan nito noon saka sinabi pa

