ILANG-ARAW na naman ang lumipas subalit hindi na lang si Timothy ang hindi pinapansin ni Angelu kundi pati ang dalawang anak niya. Hindi na rin siya masiyadong naglalabas sa guest room at kapag lalabas siya ay para lang magtrabaho saka gabi na umuuwi. Masakit na tiisin niya ang mga anak pero kaysa magsalita nang hindi maganda at saktan ang kambal sa pisikal para itama ang mga mali nila, ay mabuting idaan na lang niya sa pananahimik at hindi muna pansinin ang dalawang bata. “Mama, p’wede mo ba akong timplahan ng milk?” hiling ni Juliet nang umagang maabutan siya nito sa kusina. Sinunod naman niya ang hiling ni Juliet saka inilapag sa mesa ang gatas pero hindi pa rin niya kinibo ito hanggang sa dumating sina Jolo at Timothy saka umupo na sa upuan at may nakahandang pagkain sa mesa. Wal

