HINDI na nakapag-usap pa muli sina Angelu at Timothy dahil kinabukasan ay nagpaalam sina Kiana at Timothy na aalis at hindi alam kung kailan makakabalik sa bahay dahil dumating daw ang isang kapatid at Nanay ni Timothy kasama ang magulang ni Kiana kaya kinailangan nilang umalis at puntahan ang mga ito na sa penthouse nanunuluyan. Isinama na rin nina Kiana at Timothy ang kambal, na hindi naman niya tinutulan kahit ang dalawang bata ay hindi tumutol at ayos na talaga sa mga ito na umaalis sa bahay na hindi siya kasama. Naging malapit na kasi ang mga bata kay Kiana kahit kay Timothy na gusto rin naman niya dahil iyon naman talaga ang usapan nila ni Timothy na gumawa siya ng paraan na mapalapit ang kambal sa ama. Mag-isa si Angelu ngayon sa bahay at inaayos niya ang mga gamit na dadalhin p

