04. -FIRST KISS-

1658 Words
[Zeon's Point Of View] Kinabukasan, maaga akung ginising ni nanny dahil gusto daw ng lolo na sabayan ko siya sa breakfast. Pagkababa ko agad akung sinalubong ng ngiti ng lolo at greetings niya. "Good morning apo." Sabay ngiti niya sakin. "Good morning lolo." Pagbati ko rin "Wala po ba kayong meeting ngayon?" "Mamaya pa, but today I want you to accompany me to have our breakfast." Ngiti niyang pagkakasabi. Sunod din naman akung umupo at kasabay non ang paghanda ni nanny ng makakain ko. "Ano po plano niyo today?" Pagtataka kung tanong. "Well, pinag hahandaan ko lang yung pag book sayo pabalik ng states." "Po?!" Parang ang aga naman ata ng pagbalik ko sa state ni hindi pa nga ako ng iisang buwan dito ehh. "Isn't it too early lolo? babalik narin ba kayo ng state?" Pagtatanong ko. "No apo, mauuna kalang kailangan mong paghandaan ang pagbabalik skwela mo don kaya naman papaunahin na kita." "Pero lolo I still have 1 month for vacation pa naman." "I know, but you need to be prepared when you get back on studies it is more important than anything else Zeon and you know that." Seryuso niyang pagkakasabi sa akin. Hindi ko alam pero nakakapanibago lang si lolo sa mga kinikilos niya. Pagkatapos naming mag breakfast naisipan kung puntahan si Jandi sa kanila maayos naman akung nagpaalam kay nanny at umalis narin. Pagkarating ko sa kanila, pansi ko ang katahimikan very unusual lang kaya naman mabilis akong kumatok sa bahay nila but sadly is seems na wala talagang tao. Naisipan ko na baka may pinuntahan lang silang dalawa kaya naman napag pasyahan kong manatili na muna at hintayin nalang sila. At sa ilang minutong paghihintay ay dumating narin naman sila na may dalang mga huling isda, as usual ito nga siguro talaga ang hanap buhay nilang mag lolo. Mabilis akung tinawag ni Jandi at agad ding tumakbo papalapit sakin. "Ohh ano meron napa aga ka yata." Agad salubong niya sakin ng makalapit. "Bakit hindi mo ako sinabihan na manghihuli kayo ng isda?" Patampo kung tanong. "Haist, tampo tampo kapa diyan, sinadya ko yon no! kasi kapag kasama ka halos wala akong mahuling isda." Pagtataray niyang sagot sakin. Sunod din naman akung tumingin sa Lolo ni Jandi at hinaluan ito ng pagka dismaya. "Lolo, dapat atleast kayo sinabihan niyo ako." "Pasensiya na Ijho nawala sa isip ko siguro dahil ang tanda ko na nga haha." Patawa niya pa sa sarili."Hayaan mo sa susunod ay sasabihan na kita." "Wala napong susunod." Malungkot kung pagkakasabi sa kanila. "A-anong ibig mong sabihin?" Mariing tanong ni Jandi "Mag bobook na ng flight ang lolo ko pabalik ko ng state." "Ano?! aalis kana?" "Oo Jandi, baka sa makalawang araw na o di kaya baka bukas. Siguradong private plane ang sasakyan ko pabalik ng states." "Napakabilis naman ata ng bakasyon mo? Diba hindi ka pa naman nag iisang buwan dito." "Tama ka, pero wala rin naman akong choice dahil lolo ko nag dedecide non." Malungkot ko parin pagkakasambit. "Haist ano kaba Zeon, Lolo mo yon so pwede kapa makahingi ng extention sa bakqsyon mo." "I've already asked him about that extension, pero sabi niya lang kailangan ko ring maghanda sa papadating na pasukan." "Sayang naman kung kailan nagiging close na tayo sa isa't-isa saka kapa aalis agad." "Bakit, bestfriend naman na tayo Diba? Close na ako sayo." "Hay naku, ugali mo bang mag decide talaga no? pero pumayag narin naman na ako at saka nakikita ko naman na mabait ka talaga." Sabay smile niya sakin ng napaka cute. "Ohh yon naman pala dapat eenjoy at sulitin niyo na ito mga apo habang magkasama pa." Mabilis ko namang hinawakan ang kamay ni Jandi at nag smile sa kanya. "Tama si lolo, sulitin na natin." Kasunod non mabilis niya rin inilapag qng mga dala niyang gamit at nag smile back sakin. "Edi... tara! sulitin natin." Pagkatapos naming magpa alam sunod nadin kaming umalis ni Jandi. Masaya siyang sumama sakin habang ako may halong lungkot dahil nga magkakalayo na kami ng bestfriend ko, hindi ko alam pero parang feeling babae ako sa pakikipag kaibigan sa kanya I do really love being with her. Sa ilang minutong pagtakbo namin, nakabalik narin kami sa white house sunod ko siyang dinala doon sa sketch room ko nagtaka pa nga siya kung bakit daw binalik ko pa siya don. Nang makapasok kami ng sketch room ko mabilis ko siyang pinaupo at sinabihang wag malikod. "Naku! Zeon alam ko nato, papaupuin mo lang ako dito tapos papaasahin." "Hindi na, this time." Sinimulan ko narin naman ang pag sketch sa kanya. siya ang ikalawang babaeng ginuhitan ko, naging first ko kasi si mom but that time, hindi pa ako masyadong magaling mag sketch. Makalipas ang ilang minuto nang pag sketch sa kanya natapos ko rin. "Tapos mo na?" Excited niyang pagkakatanong. "Yeah." "Yeeey!!" Mabilis naman siyang lumapit sakin para tignan ang sketch ko. "Whaaa... ang galing mo naman palang mag sketch eh." "I know." Reply ko sa kanya. "O eh bakit at first palang hindi mo ako ni sketch agad." "I told you already, wala ako sa mood mag sketch that time." "So, kapag nasa mood kalang nag ske sketch ganon." "Of course, my teacher told me na mas nagiging maganda daw sketch kapag nasa mood ka." "Talaga ba, uhmm... pwede mo ba akung turuan mag sketch?." "Of course..." "Yeeeyy!" "NOT." "Ano?! anong not?!" "Sketching is not a thing that is easily to learn. You should provide yourself more dedication and ask yourself if you do really love this kind of doing. Dahil kung hindi rin, kahit anong effort ko sa pagtuturo sayo hindi ka matututo. Most of all people like me, Hindi naman tinuro samin ang mag sketch eversince, we just found out it in our selves and once you realize that this is one of your passion, professional will be there to help you achieve you talent more." Mabilis naman siyang napahawak sa nguso niya pagkatapos kung magsalita. "Pwede ba! paki bawas bawasan yang pag e English mo. Nakaka pleasure." "Pleasure? maybe you mean Pressure." Mabilis din naman siyang napayuko at nagtaray sakin. "Haist! tama na nga, magtagalog ka! wala tayo sa ibang bansa para mag English English ka!!" "Sorry na, nasanay lang akong mag English." Kasunod naman non ang pagkatahimik namin pareho. "But, if you want to learn it. There's a way." Sabay tingin niya sakin ng may panglilisik na mga mata. "Ibig kung sabihin may paraan naman para matuto ka kung gusto mo." "Ano?." "Mag drawing ka, simulan mo sa mga madadaling e drawing, ihasa mo lang ang sarili mo sa mga ganong bagay, dadating panahon makakayanan mo nang mag drawing." "Talaga?" Sabay smile niya sakin. "Sampalin mo ako kung hindi yon mangyari sayo." Kasunod non ang biglaan niyang pagyakap sakin. "Thank you." Kapag magkasama kami wala kaming oras na binabantayan sa araw namin pero ngayon meron na. Sunod siya naman ang nagyaya sakin dinala niya ako sa mga Street food, pinatikim niya sakin ang mga pagkain don kung saan sila kumakain ng lolo niya. Sabi niya libre niya daw ako pero ako pinagbayad, babayran niya daw ako pag magka trabaho na siya. Pagkatapos naming kumain ng street food bumalik kami sa Island at doon niyaya niya akung maligo ng dagat at first syempre ayoko, nagkaroon na kaya ako ng phobia sa dagat pero mapilit kasi sabi hindi naman kasalanan ng dagat ang pagiging pasaway ko kung tutuusin daw kaibigan ang dagat laging nandiyan handang magbigay ng meron siya sa mga nangangailangan tulad nalang sa kanila ng lolo niya. At yon nga, sinubukan kung maligo ng dagat nandiyan naman siya na talagang excited para sakin at binabasa basa pa ako. Kaya naman tuluyan nalang din akung naligo at binsa ko rin siya kahit basa na siya. Tinuruan niya akung lumangoy at mag floating para in case daw mangyari ulit yon atleast may idea na ako kung pano ko sasagipin sarili ko. Naisipan din naming maglaro sa buhangin, bumuo kami ng mga palace at iba't-ibang klasi ng mga hayop din at kasunod non sinulat niya ang pangalan niya at sunod ang salitang Bestfriend katapos ay binigay sakin ang bahagi ng isang kahoy at pinagpatuloy ang pagsusulat ng pangalan ko kasunod sa sinulat niya. "Ohh, saksi nayung buhangin simula ngayon si Jandi at Zeon ay legal ng mag kaibigan." sabay smile niya sakin. "Jandi." "Ohh?" Dahan-dagan naman akung lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. At binigay ang isang kwentas na pag pag mamay-ari din ng mom ko. "My mom own this necklace, pinaka ini ingatan ko ang bagay nato because it belongs to her but now I want you to keep this for me, paglaki ko babalik ako dito at hahanapin kita at itong kwentas ng mom ko ang way para magkita tayong muli." At sunod non ang pagsuot ko sa kanya ng necklace. "Pano kapag mawala ko to? tapos hindi naman simasadya." "Ipapakulong kita." "Ano? sira kaba?" "Hindi, joke lang syempre wag mong tatanggalin para hindi mawala." "SIR ZEON?!!" Sabay lingon namin sa boses na tumawag. "Si nanny nayon." Sabi ko sa kanya. "Aalis ka naba?" "Hindi ko pa alam kung kailan, pero sa tingin ko malapit na." "Sir zeon!" Sigaw ulit ng nanny nang makita ako. "Bye Jandi." Sabay takbo ko papalapit kay nanny, pero saglit din akung napatigil at tumingin ulit sa kanya habang tumitingin din sakin. Kasunod non ang hindi ko mapigilang paglapit ulit sa kanya at paghalik sa pisngi niya. "Bye." [JANDI'S POINT OF VIEW] At yon nga, tuluyan ng nagpaalam sakin si Zeon pero bago yon nagulat ako ng bigya niya akung halikan sa pisngi at nag bye ulit sakin hanggang sa tuluyan ng umalis. Mabilis namang nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya na hanggang ngayon ay gulantang parin sa pagkagulat. Dahil hindi na ako nakapag salita pa, hinawakan ko nalang ang pisngi ko kung saan niya ako hinalikan at kasunod na hinawakan ang kwentas na binigay niya habang unti unti siyang lumalakad papalayo sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD