Pag-amin ng tunay na damdamin ni Kian

1331 Words
CHAPTER 10 KAPWA sila humihingal ng matapos ang halikan nila. Nanatiling nakapikit si Yza kaya malayang pinagmasdan ni Kian ang dalaga. “Mahal kita, Yza, sana maniwala ka sa akin. Bigyan mo sana ako ng pagkakataon na patunayan sayo ang pag-ibig ko. Alam ko na si Dion pa rin ang nandiyan sa puso mo. Pero gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako.” madamdamin na pag amin niya sa babaeng mahal niya. Nagmulat ito ng mga mata at tumitig sa kanya. Hinawakan ang pisngi niya saka ng salita. “Kian, Please, huwag ngayon kasi mahal ko pa rin siya.”pag-amin na wika nito sa kaniya. Nakaramdam siya ng lungkot dahil sa sinabi ni Yza. Ngunit kailangan niyang tanggapin na may mahal itong iba. “Maghihintay ako, hihintayin ko ang araw na mahalin mo rin ako.” nakangiti niyang wika kay Yza. Hinalikan niya ito sa noo. Ngumiti ito. “Salamat.” “Finally, nakita ko rin 'yang mga ngiti diyan sa labi mo. Mas maganda ka kapag nakangiti keysa laging nakasimangot at mataray.” nakangiti niyang wika kay Yza. Sa unang pagkakataon ngayon lang ito ngumiti sa kanya at hindi nagmamaldita. Napakaganda niya lalo na kapag nakangiti lumalabas ang isang cute na dimple sa pisngi. Tinaasan tuloy siya nito ng isang kilay at saka tumalikod. Siya naman ay bumalik sa sala, hihintayin niya ang dalaga. Gusto niya itong makausap about kay Dion. Lumapit sa kanya si Lolo Tonyo at tinapik ang balikat niya. “Kian, pwede ba kitang makausap?” tanong ng lolo ni Yza sa kanya. Umupo ito sa tabi niya. Tumango siya rito, “Tungkol po saan Lo?” tanong niya dito. “Tungkol sa apo ko. Hindi na ako magtatagal dito sa mundo, Kian. Kaya gusto ko bago ako mawala, gusto kung makita na may taong magmamahal at mag-aalaga sa apo ko. Puwede mo ba siyang pakasalan para kahit mawala na ako may kasama na siya sa buhay,” may lungkot sa mata na wika nito sa kanya. Nanatili lamang siyang nakatingin kay lolo Tonyo. Nagulat sa sinabi at pakiusap nito sa kanya. “Hindi po ganoon kadali ang hinihingi ninyo 'lo.” Bumuntong-hininga ito bago ng salita. “Alam ko, kaya nga nilakasan ko ang loob na kausapin ka. Ayaw kong iwan ang apo ko na nag-iisa, Kian. Mahal na mahal ko si Maysisa masakit sa akin na iwan ko siya. Pero hindi na kaya ng katawan ko pinipilit kung naging malakas sa harap ng apo ko. Dahil ayaw kung mag-alala ito sa akin,” may luha sa mata na wika ni lolo Tonyo. “Lumaki si Maysisa na hindi niya nakita at nakilala ang mga magulang niya dahil iniwan siya sa akin ng anak ko dalawang taong gulang pa lamang siya. Mula noon hindi na siya binalikan ng anak ko. Kaya tinaguyod ko siya para mapalaki at mapag-aral. Sa tulong ng isa kung anak na teacher, nakatungtong ng college si Maysisa, nasa 4years college na siya nang huminto siya ng pag-aaral dahil hindi na kaya ng anak ko na pag-aralin pa s'ya. Nagsumikap siya, pumunta siya ng Manila para magtrabaho. Ngunit hindi siya tumagal doon at umuwi rin sapagkat nag kasakit ako. May cancer ako Kian, lung cancer at stage 4 na.” may luha sa mata na saad ni lolo Tonyo kay Kian. Naaawa na nakatingin si Kian kay lolo Tonyo. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. “Kaya, Please, sayo ko iiwan si Maysisa. Ikaw lang ang tanging taong puwedeng pagkatiwalaan.”may pakiusap ng wika nito sa kanya. “Makakaasa po kayo,” tugon niya sa paki-usap ni lolo Tonyo. Mahal niya sa Yza kaya gagawin niya ang hiling ng matanda. “Salamat, Kian, ngayon panatag na ang loob ko.” may ngiti na sa labi na wika nito sa kanya. Pero mababakas parin rito ang lungkot sa mukha. Naputol ang kanilang pag-uusap nang lumabas sa kuwarto si Yza at lumapit sa kanila. Nasuot na ito ng damit pantulog at nakaligo na rin. “Lo, magpahinga na po kayo,” Tumango at tumayo ito at nagpaalam sa kaniya. “Salamat, Kian maiwan na kita, ha.” paalam na wika nito sa kanya. “Apo, ikaw na ang bahala kay Kian h'wag mo naman sanang laging malditahan at tarayan,” wikang baling nito kay Yza na ikinasimangot naman nito. Nang maiwan silang dalawa ay walang imik na umupo si Yza sa kabilang upoan. Binuhay nito ang tv at abala sa paghahanap ng mapapanood. Pinagmasdan niya ito, maiksing short at t-shirt ang suot nito. Magkapartner ito at kulay maroon na lalong nagpalitaw ng angking kinis ng balat nito. Ang mahaba at basang buhok niya ay nakalugay. Ang mga mata nitong maganda at labing masarap halikan ay bahagyang nakaawang. Kaya napalunok siya ng sariling laway. Umiwas siya ng tingin ng biglang bumaling ito sa kaniya at nagsalita. “Hindi ka pa ba uuwi? gabi na, oh, at saka nakidlat at nakulog. Mukhang uulan baka maabotan ka ng ulan.” tanong na wika nito sa kanya. “Bakit gusto mo na ba akong umuwi? Ayaw muna bang mag-stay ako dito?” Balik na tanong niya kay Yza. Kinunotan siya nito ng noo at pinagkrus pa ang dalawang braso sa dibdib. “Gusto ko ng magpahinga at tiyaka gabing-gabi na, oh. Parehas na may pasok tayo bukas.” wika nito sa kanya. Hindi na nagsalita si Kian, naiintindihan niya ito. Kaya tumayo na siya at naglakad patungo sa pintoan. Kasunod naman sa likod niya si Yza, Binuksan niya ang pinto at akmang palabas na siya ng bahay ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay nang malakas na ulan ang isang mabilis na kidlat. Nagulat siya ng biglang yumakap sa kaniya si Yza tila nanginginig ito. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya at lalong isiniksik ang mukha sa dibdib niya nang kumulog nang malakas. Kaya sinaradohan niya ang pinto at saka inilock 'yon. Nanatili pa rin na nakayakap sa kanya si Yza at naririnig niya na umiiyak ito. Pilit niyang iniangat ang mukha nito na nakasiksik sa dibdib niya. Kita niya ang luha sa mga mata nito kaya pinunasan niya ito gamit ang kanyang daliri. “Why? Why are you crying?” tanong niya dito habang pinupunasan ang luha nito. “Takot ako sa kidlat at kulog.” pag-amin na wika ni Yza sa kaniya. Napangiti siya dahil akala niya matapang ito sa lahat ng bagay dahil sa angking maldita nito. May kinakatakotan din pala. Hinalikan niya ito sa noo at niyaya sa kuwarto nito para kahit papaano hindi ito matakot sa kulog at kidlat. Para na rin makapag-pahinga na ito. Hihintayin nalang niya na tumigil ang ulan bago siya umuwi. “Matulog kana, dito lang ako. Babantayan kita hanggang sa makatulog ka.” wika niya kay Yza. Tumango ito sa kanya at saka inilalayan niya itong humiga sa papag na nandoon. Kinumutan niya ito at hinalikan sa noo ang dalaga na nakapikit. Akmang tatayo na siya ng pigilan ni Yza ang kamay niya. “Puwede bang tabihan mo ako, hanggang sa makatulog ako.” may ngiti sa labi nitong paki-usap sa kanya. Walang pang-alinlangan na tumango siya at tinabihan ang dalaga na takot na takot sa kulog at kidlat. Niyakap niya ito ng mahigpit, at saka ipinatong niya ang ulo nito sa kanyang braso. Isiniksik naman ni Yza ang mukha nito sa malapad niyang dibdib. At yumakap ng pabalik sa kanya. “Good night babe, matulog kana. Hindi kita iiwan.” bulong niya sa babaeng mahal niya. Umangat ng ulo si Yza at saka tumingin sa kanya. “Good night, thank you,” nakangiti nitong saad sa kanya. Hinawakan niya ito sa baba at hinalikan sa labi. Ramdam niya ang pagtugon nito sa halik niya hanggang naging mapusok na ang halik niya kay Yza. Unti-unti ng umiinit ang katawan niya, kaya agad niyang tinapos ang halikan nilang dalawa. Ayaw niyang madaliin ang dalaga. Niyakap niya ulit ito. Hindi n'ya namalayan na nakatulog na rin pala siya sa tabi ng babaeng mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD