CHAPTER 11

1065 Words
KINABUKASAN tanghali nang gumising si Yza agad siyang bumangon at tumayo dali-dali siyang lumabas ng kuwarto niya. Pagkalabas niya ng kanyang kuwarto ay agad siyang nagtungo sa banyo para maghilamos at magtootbrush. Pagkalabas niya ng banyo ay nagtungo siya sa kusina para magluto ng almusal nila ng kanyang lolo. Naabotan niya doon ang lolo niya na nagsasaing na ng kanin. “Oh, apo, good morning.” nakangiting bati sa kanya ng kanyang lolo. “Tinanghali ka yata?” “Good morning po, Lo, kanina pa kayo gising?” tanong niya dito sabay kumuha ng tasa para magtimpla ng kape. “Oo,” tugon ng lolo niya sa kanya, “Kaaalis lang ni Kian hindi ka na hinintay na magising.” patuloy na wika nito sa kanya. Napahawak naman siya sa kanyang noo. Oo nga pala, nakalimutan niya na dito pala 'yon natulog at magkatabi pa sila. “My God, Maysisa, ang t*nga mo. Dahil lang sa kidlat at kulog nagawa mong sabihin kay Kian na tabihan ka nakakahiya ka self.” sermon ni Yza sa kanyang sarili. “May apo na ba ako sa tuhod Maysisa?” nakangiti na tanong ni lolo Tonyo sa kanya. Kaya halos mapaso siya sa iniinom na kape. “Lolo, bakit naman naitanong ninyo 'yan?” tanong niya sa kanyang lolo pero umiwas siya ng tingin dito. “Apo, bakit may masama ba doon sa tanong ko sa'yo?” tanong nito sa kanya sabay umupo sa tabi niya. Hinawakan ang kamay niya at saka tumingin sa kaniya. “Apo, gusto ko si Kian para sa iyo. Kaya okay lang sa akin kung magkatabi kayong natulog kagabi. Kasi nasa tamang edad ka na para sa ganyang bagay,” wika nito sa kanya. “At ramdam ko na mahal ka niya mahalin mo siya apo. Gusto ko bago ako mawala dito sa mundo. Makita ko na, masaya ka at may mag-aalaga sa'yo at may magmamahal.” malungkot na wika ng lolo niya sa kanya. “Lo, ano ba 'yang pinagsasabi ninyo?” tanong niya sa kanyang lolo. Pero gusto na niyang maiyak sa sinabi ng lolo niya. Pero pinigilan niya ang sarili. "Gusto ko bago niya ako kuhanin, gusto kung pakasalan mo si Kian," wika ni lolo Tonyo sa kanya, na ikinagulat naman niya. Umiling-iling siya sabay tulo ng luha na pinipigalan niya. “Lo, h'wag naman kayong magsalita ng ganyan. Mabubuhay pa kayo ng matagal may awa ang Diyos, lolo. Hindi kayo mawawala.” umiiyak na wika niya sa kaniyang lolo. “Apo, tanggap ko na, dahil wala ng lunas itong sakit ko. Ang gusto ko lang ngayon makita kang may magmamahalin sa iyo. At kay Kian ko 'yon nakikita, sigurado ako na kaya ka niyang alagaan at mahalin.” umiiyak na rin nito sa kanya. Niyakap niya ang kanyang lolo at umiiyak sa balikat nito. Ayaw niyang nawala ang lolo niya pero kahit anong gawin nila wala ng pag-asa itong gumaling. Nasa stage 4 na ang sakit nito. Halos linggo-linggo sila sa hospital para ipagamot ito. May mga araw nga na kapag inaatake ng sakit ang lolo niya ay halos madurog ang puso niya kapag nakikita niya itong nahihirapan. Nitong huling mga araw ay hindi ito masyadong inaatake ng sakit. Kaya panatag siya na okay na ang lolo niya. Kumalas ng pagkakayakap ang lolo niya at pinunasan ang mga luha sa pisngi. “Lo, ayaw kung mawala ka sa akin ikaw lang ang tanging pamilya ko na nagmahal sa akin. Kaya, Please, huwag kang magsalita ng ganyan.” patuloy na umiiyak niyang wika sa kaniyang lolo. “Lo, hindi ko kayang pakasalan si Kian dahil hindi ko siya mahal.” wika niya sabay umiling-iling. “At sinong mahal mo si Dion? Maysisa, kalimutan mo na siya dahil hindi kayo para sa isa't isa. Akala mo, hindi ko alam na nakabuntis siya. Gusto mo bang ganoong lalaki ang makakasama mo habang buhay? Ngayon pa nga lang niloko ka na. Paano kung mag-asawa na kayo? Paano kung lukohin ka? Sino ang magtatanggol sa iyo? Sinong yayakap sa'yo?” sunod-sunod na tanong ni lolo Tonyo sa kanya. “Pero lolo, hindi ko mahal si Kian.” “Matutunan mo rin siyang mahalin apo, mabait si Kian kaya sigurado ako na hindi ka n'ya sasaktan.” Pumikit siya ng kanyang mata at pilit na inuunawa ang sinasabi ng kanyang lolo. “Lo, hindi po ako magpapakasal kay Kian,” nakayuko niyang wika sa kanyang lolo. Ayaw niyang makita ang magiging reaksyon ng mukha nito. “Nakausap ko na si Kian baka mamaya pupunta na sila dito kasama ang mga magulang niya, para mamanhikan.” seryoso na saad nito sa kanya. Napa-angat siya ng ulo dahil sa sinabi ng lolo niya. “Pero lolo, hindi ko nga po mahal si Kian. Ganoon na lang ba kadali sa inyo na magdesisyon. Lolo, buhay ko ito, buhay ko ang pinag-uusapan dito.” may bahid na galit na wika niya sa kanyang lolo. “Apo, makinig ka sa akin. Ginagawa ko 'to dahil mahal kita, magiging panatag ako kung bago ako umalis sa mundong ito nasa maayos ka ng kalagayan. Naki-usap ako kay Kian na kung maaari ay pakasalan ka. Mahal na mahal kita apo, kaya nakikiusap ako sa'yo. Kahit ito lang pagbigyan mo ako.” malungkot na wika nito sa kaniya. “Bigyan n'yo ako kahit isang araw para pag-isipan ko dahil hindi madaling magpakasal sa taong hindi ko mahal.” may hinanakit na wika niya sa kanyang lolo. Tumango naman ito sa kanya. Nagugulohan na tumayo siya para pumasok sa kanyang kuwarto. Pagdating niya ng kanyang kuwarto. Doon niya binuhos lahat ng sama ng loob. Sa pamamagitan nang pag-iyak. Ganoon na lang ba kadali sa kaniyang lolo na magdesisyon. Paano naman siya? Paano ang damdamin niya? Paano niya pakakasalan si Kian kung hanggang ngayon si Dion pa rin ang mahal niya? Ano ba ang dapat niyang gawin? Pakakasalan ba niya si Kian kahit wala siyang nararamdaman dito? “Wala nga ba akong nararamdaman kay Kian? Bakit sa tuwing hinahalikan niya ako nagugustohan ko. Bakit sa tuwing yakap niya ako pakiramdam ko, ligtas ako sa mga braso niya. Masaya ako kapag kasama ko siya kahit minsan madalas ko siyang pagsungitan at malditahan. Kagabi habang yakap niya ako ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Kung papakasal ako sa kanya hindi na ba ako masasaktan? Tulad rin ba siya ni Dion?” mga tanong niya sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD