PASIPOL-SIPOL na pumasok sa loob ng bahay si Kian. Naabotan niya ang kanyang mommy at daddy na nakaupo sa sofa. Nagtataka na tumingin na lamang ang mga ito sa kanya.
“Kian, bakit ngayon ka lang umuwi?” tanong ng kanyang mommy Kendra.
“Mom, maliligo muna ako mamaya na ninyo ako pagalitan.” wika niya habang paakyat ng hagdanan.
“Kian! kinakausap pa kita!” sigaw ng kanyang mommy pero hindi niya ito pinansin. Akala siguro nito ay kina Irish siya natulog.
Pagpasok niya ng kanyang kuwarto ay agad siyang naghubad ng kanyang kasuotan at pumasok sa banyo.
Binuhay niya ang shower at hinayaan niya na rumagasa ang malamig na tubig sa kanyang katawan. Napapangiti siya na maalala ang mga naganap kagabi. Muntik ng may mangyari sa kanila ni Yza kung hindi siya nagpigil siguro naangkin niya ito.
Nagising siya kanina na nakayakap ito sa kanya. Pinagmasdan niya ito ng mabuti napakaganda n'ya talaga kahit may pagkamaldita ito. Pero dahil sa kamalditahan nitong taglay minahal niya si Yza. Siya na ang babaeng ihaharap niya sa dambana.
Hindi siya ng dalawang isip na tanggapin at sundin ang kahilingan ni lolo Tonyo dahil mahal niya si Yza.
Kanina nahiya pa siyang lumabas ng kuwarto ni Yza dahil saktong paglabas niya at siya ring labas ng kuwarto ni lolo Tonyo. Nahihiya siyang tumingin dito baka isipin nito na may nangyari sa kanila ng apo niya.
Sumunod siya kay lolo Tonyo nang yayain siyang magkape nito. Habang nagkakape sila hiniling nito sa kanya na kung maari ay mamanhikan na sila mamayang gabi.
Nakikita niya ang lungkot nito sa mga mata. Ramdam niya na may iniinda itong masakit sa katawan. Pero pinipilit nito sa kanya na okay lang daw siya.
Nang matapos siyang maligo, nagbihis siya at lumabas na ng kanyang kuwarto. Agad siyang dumaretso sa kusina para mag-almusal. Nandoon na rin ang kanyang mommy at daddy.
“Mom, Dad, puwede ko ba kayong makausap?” panimulang wika niya.
“Tungkol saan? Don't tell me, galing ka na naman kina Irish. Ilang beses ko bang sasabihin sa' yo, na ayaw ko sa kanya,” may galit sa boses na saad sa kanya ng mommy niya.
“Honey, hayaan mo muna na magsalita ang anak mo.” saway ng kanyang daddy Mark sa mommy niya.
Ang mommy talaga niya, kahit nasa tamang edad na siya kung pagalitan parang bata. Tumingin siya sa kanyang mommy nakatingin din pala ito sa kaniya pero hindi maipinta ang mukha nito. Kaya tumayo siya at nilapitan ang kanyang mommy saka niyakap at hinagkan sa pisngi.
“Mommy, huwag na kayong magalit tingnan ninyo, oh, lumalabas na yang wrinkles diyan sa noo mo. Hindi na tuloy kayo maganda.” pang-aasar na wika niya sa kanyang Mommy Kendra.
Hinampas siya ng kanyang mommy sa braso. “Tigilan mo ako Kian! Sinasabi ko sa iyo ayaw ko talaga diyan kay Irish Critine. Mas gusto ko pa si Yza, keysa sa kanya.”
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa kanyang mommy at saka hinalikan ulit sa pisngi at noo.
“Mom, hindi naman kina Irish ako natulog kundi kina Yza.” wika niya sa kanyang mommy.
Nakangiti na tumingin sa kanya ang mommy niya. “Totoo ba 'yang sinabi mo Kian? Doon ka nga natulog? Ibig sabihin girlfriend mo na si Yza?” sunod-sunod na tanong ng kanyang mommy.
“Sino ba si Yza? Bakit hindi ko yata siya kilala?” tanong ng kanyang daddy sa kanya.
“Honey, siya 'yong babae na may pagkamaldita nakita ko siya sa mansyon nina Geo. At gusto ko siya para sa anak mo siya ang babaeng magpapabago dito sa anak mo.” may ngiti sa labi na wika ng mommy niya. Tumango-tango naman ang kaniyang daddy.
“So, anak, kailan ko makikilala si Yza? Kailan mo ba siya dadalhin dito sa bahay?” tanong ng kaniyang daddy.
“Mamaya Dad, mamanhikan na tayo sa kanila,” nakangiti niyang wika sa kanyang daddy.
Muntik ng masamid ang kaniyang mommy dahil sa sinabi niya.
“Anong sabi mo mamanhikan na tayo mamaya kina Yza?” gulat na tanong sa kaniya ng mommy niya.
“Yes, Mom, kinausap ako kagabi ng lolo niya at nakiusap na kung maaari daw ay pakasalan ko ang apo niya. Lolo Tonyo have a stage 4 lung cancer mom. Gusto niya daw bago siya mawala, nasa mabuting kalagayan si Yza. Kanina bago ako umalis nararamdaman ko na may iniinda itong masakit pero pinipilit niya na okay lang siya. Sinabi pa nito na kung maaari daw, kung puwede na mamaya daw tayo mamanhikan,” may lungkot sa boses niyang saad sa kanyang magulang. “Mom, baka puwede mong matulongan si lolo Tonyo.” patuloy na wika niya.
“Sige, anak, samahan mo ako pagkatapos nating mag-almusal pupuntahan ko siya.” wika ng mommy niya.
Pinagpatuloy na nila ang kanilang pagkain. Pagkatapos nilang kumain umalis na sila ng kanyang mommy. Inihatid niya ito sa bahay nina Yza pagkatapos makausap si lolo Tonyo ay umalis na siya. Nagpaiwan pa ang kanyang mommy para pakiusapan si lolo Tonyo na magpagamot wala na doon si Yza nasa center na daw ito.
Pagpasok niya ng munisipyo ay sinalubong siya ni Geo. Masama na ang tingin nito sa kanya.
“Kanina pa kita hinihintay, tapos out of coverage area ang cellphone mo. Kailangan na nating umalis.” galit na wika ni Geo sa kanya at umalis na ito sa harapan niya. Kaya sumunod na siya.
Ngayon nga pala ang Senior Citizen Day na gagawin sa barangay Linao. Nakangiti siyang sumakay ng kaniyang sasakyan dahil makikita na naman niya si Yza.
Pagdating nila ni Geo sa barangay Linao nakahanda na ang lahat. Nandoon na rin ang mga Senior Citizen na kanilang bibigyan ng maagang papasko.
Nakita niya si Yza na abala sa pag-aasikaso ng mga matatanda. Napakaganda talaga nito kahit na may pagkasuplada at maldita.
Tumingin ito banda sa kaniya at ngumiti kaya ganoon na lamang ang t***k ng puso niya. Hindi maiwasan niya na mapangiti dahil ngayon lang ito ngumiti sa kanya.
Nag-uumpisa na ang programa pero ang mga mata niya ay kay Yza pa rin nakatingin. Sinundan niya ito ng tingin habang papasok sa loob ng center.
Habang nagsasalita si Geo sa gitna pa simple siyang tumayo at naglakad patungo sa center. Naabotan niya si Yza na nakaupo sa upoang kahoy nakapikit ang mga mata. Pagod na siguro ito kaya umupo siya sa tabi nito. Naramdaman nito ang presinsiya niya kaya nagmulat ito ng mata.
Bahagya pa itong nagulat ng makita siya. “Ano'ng ginagawa mo dito? Bumalik ka na doon, ikaw na yata ang susunod na magsasalita sa gitna.” pagtataboy na wika ni Yza sa kanya.
Pero imbes na sumagot siya mataman niya itong tinitigan. Halata sa mukha nito ang sobrang pagod kaya hinawakan niya ito sa pisngi at ngumiti.
Ginawaran niya ito ng halik sa noo. “Magpahinga ka muna dito pakikiusapan ko si kapitan na kumuha ng ibang tao para tumulong dito,” nakangiti niyang wika kay Yza.
Umiling-iling ito. “Huwag na, kaya ko naman at saka apat na kami dito. Kaya okay lang ako may iniisip lang ako.” wika nito sa kanya.
Magsasalita pa sana siya ng marinig niya ang pangalan niya. Tinatawag na siya para magbigay ng maikling mensahe para sa mga matatanda.
“Maiwan muna kita, ha, dito ka lang muna,” wika niya dito sabay halik sa noo ni Yza.
Nasa kalagitnaan na sila ng programa ng biglang dumating si Irish Critine. Yumakap ito sa kanya at hinalikan siya sa labi.
“Irish, why are you here?” gulat na tanong niya kay Irish. Nakangisi naman na nakatingin si Geo sa kanila.
“Galing kasi ako sa opisina mo, sabi ng mga empleyado doon. Nandito ka raw kaya pumunta na ako dito.” wika nito sabay halik sa labi niya.
Bahagyang naitulak niya si Irish ng makita niya si Yza na nakatingin sa kanila. Umiwas ito nang tingin sa kanila at dali-daling pumasok sa loob ng center.