CHAPTER 13
INABALA ni Yza ang kanyang sarili sa pag-aasikaso ng mga matatanda. Gusto niyang kahit kunting oras mawala sa isip niya ang pakiusap sa kanya ng lolo niya. Ngayong araw ang special na araw para sa mga Senior Citizens. Sapagkat may mga regalo silang matatanggap galing sa munisipyo. At dahil special na araw ito sa kanila, may pasayaw at palaro para sa kanila.
Inaayos niya ang mga upoan ng lumapit sa kanya si Ivy. Nagtataka itong tumingin sa kanya.
“Okay, ka lang ba sissy? Kasi, kanina ko pa napapansin parang wala ka sa sarili. At saka umiiyak ka ba? Bakit parang galing sa pag-iyak 'yang mga mata mo? May problema ba? si Dion ba?” sunod-sunod na tanong ni Ivy sa kanya.
Marahan siyang nagbuga ng hangin bago nagsalita.“Gusto ni lolo na pakasalan ko si Kian.”
Kita naman sa mukha ni Ivy ang pagkagulat. “Ano'ng sabi mo gusto ni lolo Tonyo na pakasalan mo si Vice?”
Tumango-tango siya kay Ivy. “At mamayang gabi mamanhikan na sila. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sissy. Ayaw kong magpakasal kay Kian dahil hindi ko siya mahal,” malungkot na wika kay Ivy.
“Teka nga muna, nagugulohan ako. Bakit ka ipapakasal kay Vice ni lolo? At bakit mamanhikan na agad? May hindi ka sinasabi sa akin, no. Kayo na ba ni Vice Kian?” nagtataka na tanong nito sa kanya.
“Hindi ko alam, kay lolo pero nakiusap siya kanina. Bago daw siya mawala gusto niyang makita ako na may magmamahal sa akin at makasama ko daw habang buhay.” malungkot na wika niya kay Ivy.
Alam ni Ivy na may malubhang sakit ang kanyang lolo. Ito nga ang madalas niyang kasama kapag isinusugod niya ang kanyang lolo sa hospital. At alam din nito na hindi na magtatagal ang kanyang lolo.
“Ano'ng sabi mo kay lolo Tonyo? Pagbibigyan mo ba ang kahilingan niya?” tanong ni Ivy sa kanya.
“Hindi ko alam nagugulohan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko hindi ko mahal si Kian sissy. Pero bakit parang sa tuwing yakap niya ako, pakiramdam ko safe ako sa mga braso niya. At sa tuwing hinahalikan niya ako, hindi ko maiwasan na tumugon. Sa tuwing nakikita ko siya masaya ako kahit minsan madalas ko siyang pagsungitan at malditahan.” pag-amin ni Yza kay Ivy na ikinatuwa naman nito.
“Sissy, may nararamdaman ka na kay Vice. Hindi mo man aminin pero may puwang na siya diyan sa puso mo.”tila kinikilig na wika ni Ivy sa kanya.
Naputol ang kanilang pag-uusap ng tawagin si Ivy ni Ma'am Lina. Pinagpatuloy na lamang niya ang kanyang pag-aasikaso sa mga matatanda. Inayos niya ang mga regalo sa isang tabi.
At dahil busy siya sa kanyang ginagawa hindi niya namalayan na dumating na sina Kian at si Mayor. Tumingin siya kay Kian at nginitian niya ito.
Nagsimula na ang programa nang makaramdam siya ng pagod kaya pumasok siya sa loob ng center. Umupo siya sa upoang kahoy at ipinikit ang kanyang mga mata.
Naramdaman niya na may umupo sa kanyang tabi kaya nagmulat siya ng kanyang mata. Nagulat pa siya ng si Kian ang nasa tabi niya. Nakangiti na nakatingin ito sa kanya.
“Ano'ng ginagawa mo dito? Bumalik ka na doon, ikaw na yata ang susunod na magsasalita sa gitna.” pagtataboy na wika ni Yza kay Kian.
Hindi ito sumagot bagkus ay hinawakan ang kanyang pisngi at ginawaran ng halik ang kanyang noo.
“Magpahinga ka muna dito, pakikiusapan ko si Kapitan na kumuha ng ibang tao para tumulong dito,” nakangiti nitong wika kay Yza.
Umiling-iling siya. “Huwag na, kaya ko naman at saka apat na kami dito. Kaya okay lang ako may iniisip lang.” Wika niya kay Kian.
Magsasalita pa sana si Kian ng marinig nito ang pangalan niya. Tinatawag na ito para magbigay ng maikling mensahe para sa mga matatanda.
“Maiwan muna kita, ha, dito ka lang muna.” wika ni Kian sa kanya sabay halik sa noo ni niya. Tumango-tango naman siya dito.
Nakatayo siya sa isang sulok at nakikinig sa sinasabi ni Ma'am Lina nang makita niya na may kahalikan si Kian nakayakap pa ang babae. Naitulak pa ni Kian ang babae nang makita siya na nakatingin sa kanila.
Umiwas siya nang tingin sa dalawa at dali-dali na pumasok sa loob ng center. Pagdating niya sa loob, hindi niya napigilan na umiiyak.
Bakit parang nasaktan siya sa nakita? Bakit parang masakit sa kanya na may kahalikan na ibang babae si Kian? Nagseselos na ba siya?
“I'm sorry doon sa nakita mo hindi ko alam na pupunta siya dito.” paumanhin na wika ni Kian sa kanya.
Pinunasan niya muna ang luha niya sa pisngi bago humarap kay Kian.
“Bakit ka humihingi sa akin ng sorry? Hindi mo naman ako kasintahan para ipaliwanag 'yong nakita ko kanina. Bumalik ka na doon at baka hanapin ka ng malandi mong girlfriend.” pagtataboy niya kay Kian at pilit niyang ngumiti dito.
“Hindi nga kita kasintahan pero magiging asawa kita. Hintayin mo kami mamaya sa inyo at mamanhikan ako sa inyo. Patutunayan ko sa 'yo na mahal kita." wika nito sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay at hinalikan iyon.
“Sa tingin mo, magpapakasal ako sayo? Kian, kung gagawin mo iyon dahil sa kahilingan ni lolo huwag na lang, dahil kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal.” wika niya sabay talikod kay Kian.
“Papakasalan kita dahil 'yon ang gusto ko dahil mahal kita. Hindi kita pipilitin na mahalin mo rin ako pero gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako. Sisiguradohin ko na makakalimutan mo din si Dion. At iyong nakita mo kanina, wala lang 'yon.” malumanay na wika nito sa kanya.
Humarap muli siya kay Kian na nakataas ang isang kilay. “Hindi ka naman siguro hahalikan ng higad na babae na 'yon kung wala lang iyong nakita ko. Ang landi, talagang sa harap pa ng madaming tao, ha." nakanguso niyang saad kay Kian. Pero ang hinayupak tinawanan lamang siya kaya sa inis niya sinamaan niya ito nang tingin.
“Don't tell me, nagseselos ka? Mahal mo na ako, no? Hindi totoo 'yong sinabi mo kanina na hindi mo ako mahal.” nakangiti nitong tanong sa kanya.
“Hindi ako nagseselos, no, kahit maghalikan pa kayo magdamag wala akong paki-alam. Kahit matulog pa kayong magka—” hindi na niya natuloy ang nais sabihin ng halikan siya ni Kian.